Kabanata XLI

55 7 0
                                    

D-1 Before the 30th sunrise

1PM

"Mission Accomplished" bulong ni Yoona pagkatapos niyang sirain ang lahat ng gamit na nasa loob ng control room.

Iniwan na niya si Minho, oo nalulungkot din si Yoona sa nangyari kay Minho at nagpapasalamat siya dahil niligtas siya nito.

Lumabas na si Yoona ng control room at agad niyang nasalubong ang mga devamps.

"KILL HER!" sigaw ng isang Devamp at sabay sabay naman sumugod ang mga Devamp kay Yoona. Para kay Yoona mga walang kwenta ang mga ito pinulot niya ang samurai niya na nasa sahig at sunod sunod niyang pinagpupugot ang mga ulo ng mga Devamps na hanaggang sa naubos ang halos 14 na Devamps. Hingal na hingal si Yoona pero hindi siya nagpatinag dahil gusto pa niyang pumatay ng mga Devamps at isa na dun ay si Kris ang pumatay sa kanyang ina.

Pag akyat ni Yoona nakita niya na nagkakagulo na ang lahat ng Devamps at nandito na rin ang mga kasamahan ni Chen, may mga naglalabanan sa lupa at ang iba ay nasa ere.

Nakita ni Yoona si Chen, Chanyeol, Kai na walang kahirap hirap na pinag papatay ang kahit sinong Devamp na makasagupa nila.

"dito pala kayo nag tatago ha?" sabi ni Chen habang pinagmamasdan ang kastilyong itim na may mahahabang patusok bilang bubong.

Pinilit ni Kai, Chanyeol at Kyungsoo na makapasok sa loob ng Kastilyo, patay ang lahat ng devamp na makasalubong nila.

Pagdating nila sa loob ng kastilyo sinira nila ang bakal na pinto nito gamit ang mga bolang apoy na ginawa ni Kai, Chanyeol at Chen. Nung nasira ito ay isang batalyon ng ng Devamp ang sumalubong sa kanila, nakita ni Kyungsoo sa trono si Lay at Kris na nakaupo sa mga upuan nila nakangisi ang mga ito. Nakita niya rin si Luhan at Sehun na naka kulong sa hawla.

"WELCOME BACK TRAITORS!" sigaw ni Lay, napalingon si Sehun at Luhan napangiti sila dahil nakita nilang muli ang mga kaibigan nila.

"HINDI PA RIN TALAGA KAYO MARUNONG SUMUKO."
matawa tawang sabi ni Lay.

"HINDI KAMI SUSUKO LALO NA NGAYON NA MALAPIT NA KAYONG MATALO." sigaw ni Chanyeol.

"Look outside wala na kayong tao, maybe sila nalang ang last resort mo.." sabi ni Chen habang nakatangin sa mga devamp na nasa harap niya.

Sumenyas na si Kris na sugudin na ng mga alagad niya ang mga bagong dating at sabay sabay namang sumugod ang mga ito sa kanila. Ngunit syempre hindi magpapatalo ang mga Demons sa mga Devamps.

"Master si Yoona, siya ang nagbukas ng shield pinatay niya si Minho at sinira ang lahat ng nasa control room." balita ni Tao sa kanyang amo.

"HANAPIN NIYO ANG BABAENG YUN AT PUGUTAN ANG ULO SA HARAPAN KO!" galit na utos ni Kris, hindi niya akalaing trinaydor siya ng kababata feeling ni Kris pinagmukha siyang tanga ni Yoona.

"TSK TSK, SABI NA KAKAIBA ANG KUTOB KO SA BABAENG YAN..HAYS PANIRA NG PLANO!" kumento ni Lay habang pinagmamasdan ang mga naglalaban sa harap niya.

"MGA KAWAL DALHIN NA SI LUHAN SA BASEMENT!" utos ni Lay sa mga kawal.

Hinawakan ni Sehun ang kamay ni Luhan dahil sa wakas bumalik na ang pagdaloy ng kapangyarihan niya, pero natatakot siya dahil baka pumalpak ang plano niyang mag teleport dahil wala pa sa kondisyon ang mga balikat niya. Pero hindi pwedeng makuha si Luhan at hiwalay sa kanya mas lalo siyang mahihirapan.

Binuksan ng kawal ang pinto ng kulungan, kaya wala ng choice si Sehun niyakap niya si Luhan at ginamit ang teleportation inisip niya ang Demon Headhunter's HQ pero bigla itong naputol kaya napunta lang sila sa labas ng kastilyo. Agad na nanghina si Sehun kaya inalalayan siya ni Luhan makalakad.

Nagulat ang lahat ng nasa trono at nataranta sa pagkawala ng mga bihag. Agad namang nasipat ni Lay at Kris si Luhan at Sehun na tumatakbo paalis. Alam ni Sehun ang palabas ng Underworld kaya siya nalang ang nauna, ginamit nilang dalawa ang natitirang lakas para labanan ang mga Devamps na humaharang sa kanila. Pinatay ni Sehun ang Devamps gamit ang bolang apoy at mga kuko niya.

Nawiwindang na si Kris at Lay dahil walang kapagudan ang mga Demons na tinatalo ang hukbo nila, kaya kumilos na silang dalawa ni Kris nilabas nila ang mga pakpak nila para sundan si Luhan at Sehun kaso may pumigil kay Kris at yun ay walang iba kundi si Yoona. Sinugod niya ito kaya tumalsik si Kris at dumikit ang katawan niya sa batong pader ng kastilyo.

Samantala si Lay nalang ang sumunod sa mga takas
"TAO!" tinawag ni Lay si Tao kaya nakinig ito sa kanay "IKAW NA ANG BAHALA KAY JUNMYEON WAG MO SIYANG IPAPAKUHA SA MGA 'TO!" bilin ni Lay kay Tao bago lumipad paalis. Kaya sinunod ito ni Tao at agad niyang pinuntahan ang kwarto ni Lay.

Nakita ni Chanyeol ang pag alis ni Lay kaya sinundan niya ito.
"NARINIG NIYO SI LAY NANDITO SI JUNMYEON SUNDAN NIYO SIYA!" sabi ni Chanyeol sa mga kasama niya bago lumipad para sundan si Lay.

"SIGE AKO NA BAHALA!" sabi ni Chen at agad siyang tumakbo para sundan ang lalaking pumatay sa kaibigan niya. At hinding hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na mapaghiganti ang kaibigan.

****

Selucent's 2018 notes:

AAAAAAAAH! HI GUYS SORRY NATAGALAN! pero eto na malapit ng matapos! HUHUHUHU I HAVE DECIDED NA HANGGANG KABANATA 45 LANG SIYA! KAYA GUYS SANA SUPORTAHAN NIYO KO HANGGANG MATAPOS! THANK YOU!

Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!

Love, selucent.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon