Kee Pov
Nasa labas kami ng gate ni Romax ngayon, ako naman itong nakatingala sa harapan ng school namin may nakasulat kasi doon na nakalagay 'SB19' napakagandang pagmasadan dahil sa design niyang skyblue at may mga kumikinang sa bawat gilid. Bumaling ako ng tingin kay Romax na nakatingala din at tiningnan ang labas ng school.
Tanghaling tapat ngayon wala na din gaanong tao sa bawat building dahil sa pinauwi na ang lahat. Bawat dumadaan ay nakatingin sa amin at pinagbubulungan kami. Ayaw kona sana silang patulan kaso naiinis ako sa tingin nila lalo na kay Romax.
Muli ay napatingin ako sa mala Skyblue at bumaling sa napakalaki naming school hindi ko tuloy maiwasang humanga. Naalala ko bago palang kami ni Romax halos libutin kong mag-isa bawat parte ng school napaka prestihiyoso nakakamangha talaga wala pa ata sa kalahati ang nalibot ko at sisiguraduhin kong next time isasama kona si Romax nakakabored din maglibot pag magisa ka lang.
"Hindi pa pala kayo umuwi," Napalingon kami ni Romax sa nagsalita at walang iba kundi si Sejun lang naman napakaangas lang naman ng dating niya titigan ka ba naman na nakamulsa tapos taas kilay na nakatingin sayo.
"Gay, Tch!" Bulong na sabi ni Romax habang nakatingin sa kawalan.
"May sinasabi ka ba?" Lumapit siya sa amin, yumuko naman ito para magpantay sila ng tingin ni Romax. Nakatitig lang ako sa kanila, ganito pala kagwapo si Sejun sa malapitan mapapanganga ka nalang talaga. Samantala lang itong kaibigan ko walang reaction ni hindi manlang kinilig sa paglapit ng isang Sejun.
"Fuck!"
Bigla naman nagslow yung paningin ko hindi ko napansin na nandito pala si Ken bigla niya kasing niyakap si Romax tapos nilipat sa kabilang pwesto muntik na kasi siyang mahagip ng kotse na gumewang gewang, namalayan ko nalang din na nasa likod ko si Sejun napaatras kasi ako, bigla ako naginit sa paghawak niya sa braso lang 'yon ngunit milyong milyong kuryenta ang dumadaloy sa aking katawan. Ikaw ba naman hawakan ng Sejun.
Wala paring reaction si Romax dahil sa pagkayakap ni Ken sa kanya oh my gosh! mamaya mainlove 'tong kaibigan ko kay Ken napakagentle naman palang tao. Kakalas na sana si Romax nang biglang yumuko si Ken para pulutin yung nalaglag na keychain kaya lang pag-angat ni Ken nagulat kami pareho sumabit lang naman ang buhok niya sa botones ni Romax.
Muntik na akong matawa kaya lang pinigilan ko dahil masiyadong seryoso ang pagmumukha nang mga kasama ko as in seryoso lalo na kay Romax at Ken na walang mga reaction tanging ako ngalang ata dito ang sumigaw kanina dahil sa muntik na talaga mabangga si Romax.
"Get lost!" Agad na lumayo ako kay Sejun nang samaan niya ako ng tingin. Sige lang Sejun kahit samaan mo ako ng tingin idol pa din kita. Ikaw pa din ang Leader ng SB19 na nakilala ko kaya lang bad boy.
Pinilit ni Ken tanggalin ang nabuhol na buhok sa pagkakasabit sa damit ni Romax, lalapit na sana si Sejun ng patidin ko siya. Nagsorry aman ako sa kanya ayaw ko lang mangiaalam siya ang cute ngang tingnan ni Romax at Ken bakit ngayon ko lang napansin na-
"Stupid!" Tinulak naman ako ni Sejun kaya sinamaan ko siyang ng tingin bago siya tinapakan sa paa. Heels lang naman ang suot ko kaya masasaktan talaga siya. Bahagya ay napangiti ako tsaka siya tinalikuran. Pagkaharap ko kila Romax may hinahanap siya sa kanyang bag.
"What- what are you doing?" Napasigaw nalang ako ng 'Oh my gosh' dahil naglabas si Romax ng gunting tsaka ginupit ang buhok na sumabit.
"Nasisiraan kaba?" Sigaw ni Sejun ngunit huli na ang lahat nagupit na niya ang na ang buhok ni Ken. Grabe talaga itong kaibigan ko napakamatalinong magisip, padalos dalos kaya ayan, gumamit na ng gunting.
"HAHAHAHA,"
"Wow nice cut,"
"Bravooooo,"
BINABASA MO ANG
INTO YOU - [COMPLETE]
Romance-THE SB19 IS WORKING HARD BUT I'M WORKING HARDER - Inspired by Meteor Garden and The Four Bad boy's and me