Romax Pov
"I'm so excited Romax! mamaya na ang mini concert nila dito sa school, first time ko silang makikita mag perform." Kanina pa ang panay tili ni Kee habang naglalakad kami papasok sa school maaga siyang gumising pati ako dinamay sa kaagahan niyang pagpasok. Tch!
"I'm sleepy Kee," Inaantok na sabi ko tsaka humikab. Hindi na nga maayos pagtulog ko dahil sa sobrang init kagabi, nagbrown out kasi sa inuupahan kong apartment sabayan pa ng walang tigil na tawag ni Kee kesyo di daw siya maka move on dun kay Ken na kahapon niya pa pinaulit ulit. Nabubuang na talaga siya.
"Uuwi nalang ako tutal wala naman palang gagawin," Hinila niya naman ako ng akmang talikuran ko siya, hindi kona talaga makayanan ang antok ko ngayon lang ako napuyat ng ganito at bumangon ng sobrang aga.
"No! Romax, please wala akong kasama mamaya."
"Kaya mo na'yan."
"Please Romax, kahit ngayon lang."
"Tch! dika ba nagsasawa sa pagmumukha nila!"
"Never! Romax! hindi na ata ako magsasawa sa kanila alam mo 'yan kung gaano ko sila kinakabaliwan ngayon lalo't sobrang sikat na nila."
"Buang." Singhal ko
Nauna na ako maglakad sa kanya, ano pa nga ba? mapipilit at mapipilit niya pa din ako kahit na ayaw ko manood ng mini concert nila nagaganapin lang sa school 'School attack' Tch! kalokohan na concert mga hambog naman. Bakit ba madami pa din nagkakandarapa sa kanila ga'yon na na isa silang pasakit sa ulo!
"Wait, Romax!" Nilingon ko si Kee hinarangan pala siya ng Yanyan. Ano ba ang gusto nila? problema na naman nitong si Yanyan.
"Get away!" Inis na sigaw ni Kee sabay tapak dun sa paa ni Yanyan na halos di maipinta ang pagmumukha.
"Bitch-" Sigaw ng Yanyan. Ayaw ko muna mangiaalam masiyadong maaga para makipag away. Baka pag ako nabangga niya masapak kona siya ng tuluyan.
"Ikaw bitch!" Asik ni Kee sabay tulak sa kanya, tumawa naman si Kee at nagmadaling tumabok papunta sa akin. Kaya niya naman pala patulan ang Yanyan na'yun.
"Aga-aga may balak makipag away ang pokpok. HAHAHA"
"NICE," I smirk tsaka naglakad muli papasok ng school, ramdam ko ang lamig, bigla naman lumakas ang ihip ng hangin at kaya naman pala may isang van na papasok ngayon sa school.
"Goodmorning," Kumakaway na sabi Josh, halos mahimatay naman si Kee dahil sa ginawa ng isang hambog. Tch! pasikat! kala mo naman sobrang gwapo. Nakita ko naman ang pag ngiti ni Ken. Hindi ko alam pero nakatingin siya sa akin habang si Sejun walang reaction na nakatingin sa amin.
"Oh my gosh! Romax! did you see that? gosh! i think i'm gonna die now."
"Tch! Buang!"
"I saw Ken nakangiti siya sayo Romax! why i'm so kinikilig!"
"Ingay!"
"Romax naman pakinggan mo ako i can't believe this mukhang nasa mood sila ngayon."
"Tch!" Hindi kona matansya ang kaingayan nitong si Kee kaya mas lalong binilisan ko ang pagpasok, marami naman kababaihan ang nagaabang sapagdating ng SB19, buong akala ko kami ang naunang pumasok, marami na palang studyante pati kalalakihan nakikitili at abang na din sa pagdating ng SB19 halos magsigawan sila ng tuluyang makapasok ang van.
Nakita ko kung paano kumaway sila Stell sa kababaihan, ganun din si Jah. Tch! hindi ako interesado sa kanila pero bakit ko ba sila pinapansin na sa halip ay dapat maiinis ako dahil nakita ko na naman mga hambog! ang plastic nama nila sa fan, samantala pagdating sa amin ni Kee lakas makabadboy di naayon.
BINABASA MO ANG
INTO YOU - [COMPLETE]
Romance-THE SB19 IS WORKING HARD BUT I'M WORKING HARDER - Inspired by Meteor Garden and The Four Bad boy's and me