Chapter 48

181 10 1
                                    

Romax Pov

Lumabas lang saglit si Ken ng walang paalam, dumating nalang yung professor naming bakla ngunit wala pa din si Ken, hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala sa kanya, the fuck? bakit ko ba siya inaalala hayts! mukhang ayos naman siya at hindi nito iniinda na may sakit siya.

Tumingin ako sa paligid dahil lahat ng mata nila ay nakatuon kay professor na may sasabihin lang daw kaya lumabas muna si Hazy at Nate at inantay matapos.

"Okay, class may ipapagawa ako sa inyo, humanap na kayo ng kagrupo ninyo dahil mag-co-compose kayo ng sarili niyong song." Tumango naman ang mga classmate ko.

"I will give you 6munites para maghanap ng ka grupo." Sambit ulit ni baklang professor, nag-ingay ang buong klase at nagtayuan ang iba upang makahanap ng kagrupo nila, hindi ako tumayo at kusang lumapit ang SB19 sa harapan ko kasama si Kee, napakunot noo ako sa kanila.

Hu'wag niyong sabihin na sila na naman magiging ka grupo ko?

Nagtaas-taas kilay pa si Stell habang si Josh panay ang pag-ngiti na nakatingin sa akin, pinikit ko ang aking mata matapos lumapit ang ibang classmate ko sa kanila at itinanggi naman ng mga mokong na 'to na hindi na daw sila available.

Gumawa naman ng list si Kee at pinasa sa professor namin.

"Okay, meron ng na unang group SB19 with Kee and Romax so good luck guy's." Sambit nito

"So unfair naman!"

"SB19 na naman ka grupo nila diba pwedeng iba naman?"

"Mygosh! kaya lagi silang panalo eh, kasi kasama nila SB19!"

"I wonder na nilason na ng dalawang babaeng yan ang SB19!"

"Prof- pwede bang ibang grupo naman pahiwalay-hiwalayan mo sila so unfair sana manlang mahati ang ang SB19, hindi lahat dito magaling sa kanta at pag compose."

Iminulat ko ang aking mata at tiningnan ang limang babaeng nakatingin sa amin, ayan na naman sila sa kakaputak nila, aba't hindi naman namin gusto makagrupo ang SB19 sadyang sila ang unang lumalapit sa akin. The heck!

Walang ekspresyon na tiningnan ko sila kaya tumalikod ang mga ito at mukhang kinabahan sa aking pagtingin, sinadya ko silang titigan ng manahimik.

Kinuha kona ang gamit ko pero bago yun ay dinaanan ko silang lima, nakayuko ang mga ito ng tingnan ko kaya panay ang pigil na tawa ni Josh na halatang pinagtatawanan ang kaninang pinag-uusapan kami, ngayon naman kaharap ako ay isang titig lang ay natameme mga buang! napairap  ako at tuluyang lumabas ng classroom.

Paglabas ko ay wala naman dito sila Hazy at Nate, san na naman kaya sila nagpunta?

Naglalakad kami sa hallway, halos mga studyanteng nadadaanan namin ay binabati ang SB19 at walang tigil sa pagtili.

Araw-araw nalang ata hindi sila nawawalan ng boses kakatili, diba sila napapaos?

Sabagay kung sa SB19 ba naman walang paos-paos na nagaganap!

Tahimik lang kaming naglalakad ni Keelah.

Nauuna naman kami ni Kee dahil panay ang harang nila kila Justin, Sejun at Stell habang si Josh naman ayun may kaakbayan na dalawang babae. "Romax? punta tayo sa fan meeting nila tomorrow hehehe." Napatigil ako sa paglakad at tiningnan si Kee na napahawak sa buhok habang nahihiyang tingnan ako. "Loka! halos araw-araw mo naman sila nakikita." Ani ko at nagpatuloy sa paglalakad, sumunod naman siya sa akin hanggang sa pagbaba namin panay pa din ang kulit niya at kwento about sa magaganap bukas na for sure daw masaya.

INTO YOU - [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon