Chapter 46

182 13 0
                                    

Romax Pov

Nagsusuot pa ako ng sapatos ng tawagin ako ni Keelah, naramdaman ko naman ang mga yapak niya senyales na nasa harapan kona siya at nakapameywang na tinitigan ako, "You sure bes na dito muna kami?" She pouted kaya walang ekspresyon na tinitigan ko siya at pagkatapos ko magsuot ng sapatos ay tumayo ako upang pantayan si Keelah, nakakailang beses na siya sa tanong na 'yan.

"Your my friend, para ko na din kayong pamilya kaya kung maaari dumito muna kayo, for sure gumagawa nang paraan ang Daddy mo mahagilap lang kayo." Kalmado na sabi ko at naisip na naman kung ano ang balak ni tanda sa kanyang pamilya, siguradong may pakialam parin siya sa mag-ina niya, pero hindi ko masasabi 'yun dahil ng gabing 'yon ay halos patayin niya sa sampal ang mag-ina kaya mabuting dito muna sila baka saktan na naman sila ni tanda.

"Ang totoo, natatakot akong bumalik dun ayaw kona umuwi." Hinawakan ko naman sa balikat si Keelah para mawala ang kanyang pangamba, "Andito ako Kee, andito kami para sa inyo," ngumiti naman ako sa kanya at inakbayan niya naman ako. "Your the best talaga thank so much," tinanguan ko lang siya at hinila niya ako palabas ng kwarto pero bago yun ay hinablot ko ang aking bag.

"Mom, aalis na po kami ni Romax." Sigaw ni Kee pagkalabas namin ng kwarto, nakita namin sa kusina ang Mommy nito na naghahanda ng food, halos araw-araw niya ata ginagawa ang pagluluto para daw makabawi sa amin, tumigil na din siya sa pagwork at sinadya kong patigilan ito dahil baka sugurin siya di oras ng kanyang asawa.

"Mukhang enjoy mo dito sa bahay ni Romax Mom ah," ngumiti naman ang Mommy ni Keelah at may inabo't na pagkain, "Yup, thankful ako sa kaibigan mo anak, oh heto pagkain niyo kasama na diyan ang SB19." napawow naman na hinablot ni Kee ang nakabalot na pagkain, "Thanks Mom for sure matutuwa si Sejun-" naputol ang sasabihin nito ng titigan ko siya ng masama. "I mean ng SB19 hehe," bahagya siyang ngumiti, kaya napatawa si tita. "Hindi mo sinasabi sa akin na sinaktan ka pala ng lalaking 'yon kundi pa sinabi sa akin ni Josh ba 'yon? ah basta anak ikaw na babae ka aral muna okay?"  nanlaki naman amg mata ni Keelah saka tumingin sa akin na nagtataka.

"Ah, hehe pero we're good na Mom, daldal talaga ni Josh." She bite her lips at tumalikod and she shook her head.

"Mag-iingat kayo ah," yumakap muna ako kay tita ganun si Kee at nag paalam na sa kanya, "Mag-iingat po kayo dito." Bukang bibig kong sabi at napangiti ng bahagya kaya naman ang lapad ng ngiti ni Keelah sa 'kin kaya binawi ko nag pagkangiti ko saka siya hinila papasok sa bago kong kotse, "Bye Mom," kumaway pa si tita at tinanguan ko lang siya habang kumakaway, pinabilis ko naman ang pagtakbo ng aking kotse, pagkarating namin sa school ay agad akong nag park ng sasakyan.

Sumalubong naman sa amin ang mga studyanteng naghihiyawan, sa malamang andito na din pala ang SB19 na halos kasunuran lang namin sa papasok dito sa school, pagkalabas nila ng kotse ay binati nila kami ng good morning at tango lang ang sinagot ko sa kanila. "Ganda ng kotse mo Romax," namamangha na sabi Stell at nilapitan, "grabe yayamin." Si Josh naman ang sunod na lumapit, napairap nalang ako saka naglakad papalayo sa kanila.

Hindi pala nila kasama si Justin, siya nga pala ang magsusundo kay Hazy at Nate, sa nag daan na ilang araw ay palagi niya na kasama ang dalawa, sabagay yun naman ang gusto ni Hazy ang makasama si Justin malamang crush ng buang kong pinsan si Justin the fuck! hindi ko naman namalayan na sumunod sa akin si  Ken, hinawakan niya bigla yung braso ko naramdaman ko ang mainit nitong kamay, napastop ako sa paglalakad kasabay ang pag harang sa amin nitong Yanyan, hindi ko siya pinansin ng kausapin niya ako dahil tingin ko palang sa kanya hindi siya sincere sa pagso-sorry, naalala ko tuloy ng gabing binasa ko ang binigay nito, hindi na ako nagtaka pa ng wala namang nakasulat duon, talagang ngang papansin kay Ken.

Iniwan ko silang nag-uusap at halatadong ang closeness nila sa isat-isa, inilagay ko ang dalawang kamay sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad, nakaramdam naman ako ng mainit sa aking braso dahil sa paghawak ni Ken, tinitigan ko siya dahil sa pagkaputla nito  agad niya naman akong nginitan pero halatang napilitan lang siya sa pag ngiting 'yon.

INTO YOU - [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon