Keelah Pov
Papasok palang sila Mom and Dad sa room ng marinig ko ang sigawan nilang dalawa kaya kinabahan ako at napahinto papalapit sa kanilang dalawa na walang tigil kakahiyaw. "Ano nga 'to? what's the meaning of this!" Nangingibabaw ang boses ni Mommy nakita ko naman ang picture na kamukha ng binigay sa 'kin nung kay Romax.
"Amanda stop it! wala ako sa mood para makipagtalo sayo bullshit!" Hinagis naman ni Mommy ang mga picture sa mukha ni Dad.
Baki't may picture si Mommy? sino nagbigay sa kanya?
"At sa kaibigan pa talaga ng Anak mo?" Muling sigaw niya narinig ko naman ang mahinang hikbi ni Mommy kaya nataranta ako kung susundan ko ba silang dalawa na pumasok sa office ni Dad.
Bahagyang napatulala ako at di akalaing manyayari ang kinakatakutan ko na mag-away silang dalawa.
Hindi ko akalain na malalaman ni Mommy tiyak na galit na galit siya sa kanyang nakita. "Fuck you! hindi kita mapapatawad humanda sa 'kin yun kapag nalaman kong may relasyon talaga kayo! hindi kana nahiya." Napatakip bibig akong nakikinig sa kanila, naramdaman ko nalang pumatak na naman ang aking luha.
Taksil ka luha!
Kailangan ko na siguro ilayo si Max pagbubuntungan siya ng galit ni Mommy, paano ko ba uumpisahan mag explain?
"Keelah? are you alright?" He cooed and pulled me in the death grip of a hug agad din naman siyang bumitaw at tinitigan ako, lumayo ako sa kanya baka may makakita sa ginawa niya lalo na nag-aaway ang parent's ko, pero nagulat ako nung punasan niya yung luha ko na ipinagtaka ko naman.
Bakit niya ginawa yun?
Narinig ko naman ang pagpihit ng pinto sabay kaming napatingin kay Mommy.
"Mom?-" Sabi ko sa kanya, tiningnan niya naman si Sejun. "Andito mga kaibigan mo?" Hindi ko alam kung tatango ako pero inunahan na ako ni Mommy at patakbo siyang pumunta ng sala.
Ma'am wag kang gagawa ng gulo!
Tumulo naman ang luha ko at patakbo sinundan si Mommy.
Hinawakan ko si Mommy sa kamay. "Mom, please! ano bang nanyayari sayo? Inalis nito ang kamay ko "Kee, yung Dad mo at si Romax may relasyon hindi ko hahayaan na masira pamilya natin dahil lang sa kaibigan mo." Mahabang komento ni Mommy.
"Mommy hindi yan totoo, mage-explain po ako." Hindi ako pinakinggan ni Mommy at diretsong pumunta sila sa sala.
"Walanghiya ka! ex-plain this to me Iha." Hinagis ni Mom ang mga picture kay Romax, walang reaction naman na tiningnan ni Ro si Mommy, nanginginig ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako makahakbang papalapit sa kanila. Pilitin ko man humakbang ay tila ba napako ako sa kinakatayuaan kona patuloy ang pag-agos ng luha.
"Gusto mo mag explain ako?" Walang expression na tanong ni Romax kay Mommy.
Galit na galit na si Mommy dahil nakatikom ang kamao nito. "Hindi siya dapat mag explain, yung asawa mo." Tiningnan naman niya si Ken na kalmadong nagsalita habang nakaupo pa at nakacross legs. "Wag kang mangialam dito iho!" sigaw sa kanya ni Ma'am lahat kami ay nabigla sa pagsampal ni Mommy kay Romax hindi lang isang beses kundi dalawang beses kaya napatayo din si Ken.
Tumakbo ako at hinarangan si Mommy ng akmang sasampalin niya pa si Romax. "Isa pang sampal Mommy ako makakalaban mo." Tumulo ang luha ko pagkasabi ko nun, hindi ko alam pero ayaw kong sinasaktan si Romax lalo na wala siyang kasalanan at hindi ko lubos maisip kung bakit ko nasabi kay Mommy ang salitang nakakapagsakit lalo sa kanya.
BINABASA MO ANG
INTO YOU - [COMPLETE]
Romance-THE SB19 IS WORKING HARD BUT I'M WORKING HARDER - Inspired by Meteor Garden and The Four Bad boy's and me