CHAPTER 9

537 20 1
                                    

KEN'S POV

"Hi pinsan!" banggit agad ni Rhoniel dahilan para tignan ko siya. Kasama niya sila Jexter.






"O, anong meron at magkakasama kayo ngayon?" natatawang tanong ko at ibinaba ang mga papel na binabasa ko.





"Aba, totoo nga yung tsismis huh. Na... inlove ang pinsan namin." banggit ni Jexter at umupo sa upuan sa tabi niya.





"Rhoniel, ano na namang pinagsasasabi mo sa kanila?" tanong ko.






"Aba pinsan, wala akong kinalaman diyan hahaha. Si tito Max ang nagsabi sa kanila. Nakita ka daw kasing may tinititigang babae nung isang linggo sa meeting niyo." banggit niya. "Si Rita yun noh?" tukso niya dahilan para mapangiti ako.





"Naaaaaay oh! Biglang lumawak ang ngiti nung nabanggit ang pangalan ni Rita, hahaha." tukso niya.





"Sino yung Rita na yun?" tanong ni Lemuel.






"Yung nakilala namin dati sa bar. Eto oh." banggit ni Rhoniel at binigay ang cellphone niya kay Lemuel. "Maganda di ba?"





"Hoy, bakit may picture ka niya sa cellphone mo?" tanong ko sa kaniya.





"Dinownload ko kahapon para may mapakita sa kanila, hahaha. Gusto mo pasa ko sayo? Yiiiieeehh.." tukso niya dahilan para mangunot ang noo ko.


"Burahin mo na yan!" banggit ko.




"Naks! Pinsan, ang seloso mo naman. Hindi ka naman ganyan noon kay Carie ah." banggit ni Jexter.



"Magkaiba naman kasi sila." banggit ko.




Noon, mabanggit lang ang pangalan ng babaeng yun nababadtrip na ko... Naiinis na ko... Pero bakit parang normal na pangalan na lang sa pandinig ko ang pangalang yun ngayon?




"Magkaiba.. Nakuu... Hoy, hindi mo pa naman to girlfriend eh kaya wala ka pang karapatang magselos hahaha." tukso ni Rhoniel. "Gusto mo lang ipasa ko to sayo eh kaya kunyari pinapabura mo hahaha. Kilala kita uy!"



At nagtawanan silang tatlo.


"Gusto niyo tawagan natin si Rita?" tanong ni Rhoniel sa kanila.



Parang biglang tumalon ang puso ko sa sinabi niyang yun.




"Sige, sige!" banggit nung dalawa at nagkumpulan silang tatlo.




Iniangat ko ang ulo ko para makita ang ginagawa nila.






"Uyyy... Gusto ring makausap si Rita, hahaha." tukso ni Rhoniel dahilan para mainis ako sa kaniya.




"Dun na nga kayo sa labas! Iniistorbo niyo ko eh." inis kong sabi at kinuha na uli ang mga binabasa ko.




(O Rhoniel, bakit?)


Napatingin ako uli kila Rhoniel nung marinig ko ang boses ni Rita. Naka-video chat sila.



Kinuha ni Jexter yung cellphone ni Rhoniel.





"Hi, ako si Jexter, pinsan ako nila Ken." pakilala ni Jexter sa sarili niya.




(Hi, nice to meet you)






Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon