CHAPTER 48

559 25 8
                                    

RITA'S POV




(Lakas talaga makaganda oh. Ikaw na talaga! Sayong-sayo na ang korona, bruha ka!) banggit ni Regine habang magka video call kami.









Nasa Canada siya ngayon dahil sa isang shooting ng magazine kaya hindi siya nakasama samin dito sa bakasyon namin.







Natawa naman ako sa sinabi niya.








(Akalain mo yun bhe noh? Parang kelan lang nung niyaya kitang pumunta tayo sa bar.. Hindi naman natin inakalang dun pala natin makikilala ang mga prince charming natin di ba?) kinikilig niyang sabi na ikinatawa ko.









"Naku para kang teenager kiligin, bruha ka! Hahaha.. Inlove na inlove kay Rhoniel?" natatawang banggit ko.








(Wag ka ngang epal dyan. E sa ganito talaga ko kiligin dahil sa honeybunch ko eh. Ang panira nito) masungit niyang banggit sakin at tumawa din naman.






Natawa din ako sa kaniya. Kitang-kita ko na masaya talaag si Regine ngayon. Deserve naman niya yan dahil sa dami na rin naman ng umiwan sa kaniya.. Kung si Rhoniel talaga ang makakapagpasaya sa kaniya.. masayang-masaya ko para sa kanila.








(O e, kelan naman ang kasal huh?)








"Sabi ni Ken, as soon as possible daw. May mga kinausap na siyang wedding coordinator at designers para sa preparation kaya tapusin mo na ang trabaho mo diyan para makabalik ka dito kapag magsusukat na yung designer noh." banggit ko.







(Aba, kahit may trabaho pa ko non, uuwi talaga ko diyan noh. Hindi ko palalampasin yang mga sukatan na ganyan para sa kasal, hahahaha)







Napangiti naman ako dahil don.








(Sa wakas magiging masaya ka na rin uli bhe)








Tumango ako habang nakangiti.








"Sa wakas, nabuo na uli ang pamilya namin.. at may nadagdag pang munting anghel." banggit ko at hinimas ang tiyan ko.







(Lakas din talaga niyang si Ken ano? Bilis makabuo, hahaha)




"Mommy.." banggit ni Kalvin nung lumapit siya sakin. May dala-dala siyang ice cream.








(Hi Kalvin!)







"Hello, tita ganda!!" masayang banggit ng anak ko at kumaway pa kay Regine.









"Ahh.. Bhe wait lang huh. Tawagan na lang kita uli." banggit ko at pinatay na yung call bago hinarap si Kalvin. "Anak, kanino galing yan? Saan mo nakuha yang ice cream?" tanong ko.









"Dun po sa babae kanina mommy.. She's so nice mommy kasi binigyan niya po ako ng ice cream." nakangiting banggit ng anak ko at kinain ang ice cream niya, pero agad ko iyon kinuha.








"Di ba I told you na hindi ka dapat tumatanggap ng kung anu-ano sa strangers? Hindi mo naman kilala yung nagbigay sayo nito eh." pangaral ko sa kaniya.






"Sorry mommy." banggit niya kaya hinalikan ko siya sa noo.








"Kukuha na lang tayo ng bagong ice cream mo huh." banggit ko.







Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon