RITA'S POV
Kanina ko pa nakikita yung lalaking nakabangga ko kanina. Maraming babae ang nagpakilala sa kaniya kanina pero ni hindi niya sila pinansin kaya nagulat din ako nung ipakilala niya ang sarili niya sakin nung banggitin ko ang pangalan ko.
Mapupukaw niya talaga ang atensyon mo kasi napakaseryoso ng aura niya. Halata mong anak mayaman dahil sa tindig at kilos niya. Gwapo siya pero halatang suplado dahil ni hindi man lang ngumi-ngiti sa ibang tao.
Aaminin ko ang totoo, nakuha niya talaga ang atensyon ko pagpasok pa lang niya sa dito sa bar... sobrang misteryoso kasi ng dating niya sakin.
Galing ako mula sa cr nung makita kong naglalakad siya papunta sa gawi kung saan ako nagmula kaya isang plano ang nabuo sa isip ko para malaman kung ano ang pangalan niya.
Kunyare ay hindi ko siya nakita dahilan para magkabungguan kaming dalawa. At tagumpay ang plano dahil nalaman kong Ken Chan ang pangalan niya.
"Pssst... Huy, kanina mo pa tinitignan si Ken huh." nakangiting banggit ni Regine sakin.
Napatingin ako sa kaniya. Mula nung dumating kami dito ay hindi siya napirmi sa tabi ko. Kabi-kabila ang pakikipagsayaw niya sa iba't-ibang tao kaya hinayaan ko lang dahil alam kong makakatulong yun para kahit papano ay makapag-enjoy siya.
"Type mo?" tanong niya.
"Nahihiwagaan lang ako sa kaniya bhe. Tignan mo naman, parang napaka-loner." banggit ko at muling tinignan yung Ken Chan.
"Suplado naman kasi talaga yan bhe. Hindi mo ba talaga siya kilala? Ni hindi ba siya nababanggit ng daddy mo? Sikat kaya yan sa hotel businesses niya." banggit ni Regine.
"Hindi eh. Hindi ko talaga narinig ang pangalan niya kay daddy." banggit ko.
"Pero ang gwapo niya noh?" sambit niya.
"Oo, kaso suplado. Sobrang mysterious niya." banggit ko. "Wait lang huh." aniko at tumayo.
"O, san ka pupunta?" tanong niya.
"Lalapitan ko siya." nakangiti kong sabi at naglakad na.
Mag-isa na lang siya sa kinauupuan nila nung kasama niya kaya mas nagkalakas ako ng loob lumapit sa kaniya.
"Hi." banggit ko at umupo sa tabi niya.
Tinignan niya lang ako at uminom na uli.
"Gusto mong sumayaw?" tanong ko at sinilip ang mukha niya.
"No." banggit niya.
"Bakit ayaw mong sumayaw?" tanong ko.
"Will you please leave me alone?" inis niyang banggit at kinuha ang baso ng alak.
Agad ko rin iyong kinuha bago pa niya mainom iyon.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya nung ako ang uminom nun. Pero napapikit saglit ako sa tapang nun.
"What are you doing?!" inis niyang tanong.
Ngumiti ako.
"Kung ayaw mong magsayaw.. Edi mag-inuman na lang tayo." banggit ko na mas ikinasalubong ng kilay niya.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...