RITA'S POV"Talaga? E sigurado ka ba diyan? Baka naman mamaya, sinabi lang ni Carie yun sayo para mapilitan kang pagkausapin sila ni Ken." may pagdududang banggit ni Regine.
Nakaupo kami ngayon sa kama ko at pareho nang nakapangtulog. Tinawagan ko siya kanina para mag-overnight dito dahil gusto kong malaman ang opinion niya sa nalaman ko kay Carie. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nawawala sa isip ko yung dahilan kung bakit niya iniwan si Ken noon.
"Bhe, hindi naman niya siguro gagawin yun para lang dun. Hindi naman siya siguro magsisinungaling nang tungkol sa health niya kung hindi yun totoo di ba?" banggit ko.
"E bakit ayaw niyang ipasabi rin kay Ken na kinausap ka niya?" may pagdududa pa rin niyang tanong.
Oo, kinagabihan nung nakapag-usap kami ni Carie ay nagmessage siya sakin thru messenger. Nakiusap siya na huwag ko na lang banggitin kay Ken na nagkausap kami dahil baka magalit daw lalo si Ken sa kaniya at baka maging dahilan din daw siya ng pag-aaway namin.
"E baka nga kasi mas magalit sa kaniya si Ken. Alam mo namang ayaw niya nang makausap si Carie di ba? Kapag nalaman niya na kinausap ako ni Carie, baka magalit pa siya lalo sa kaniya. Baka mas hindi nun kausapin yun." paliwanag ko.
"Sabagay.. Pero grabe naman pala yung nangyari dun sa ex-girlfriend ni Ken noh? Kawawa naman siya." aniya.
"Oo nga eh. Sobrang naaawa nga ko sa kaniya. Sobrang bata pa niya para magkaron ng ganung sakit. Sana nga talaga magkausap na sila ni Ken para maging maayos na sila." banggit ko.
"E okay lang ba talaga sayo yun? Hindi ka magseselos kapag nag-usap sila?" tanong niya.
"Hindi na bhe. Tiwala naman ako kay Ken eh.. saka, alam ko namang gusto niya lang talagang makapagpaliwanag kay Ken. Siguro gusto lang din niyang ilabas yung bigat ng kalooban niya sa pang-iiwan kay Ken noon."
"E paano kung after malaman ni Ken yung nangyari sa ex-girlfriend niya, marealize niyang may nararamdaman pa pala siya sa babaeng yun?" tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya pero agad ring napatungo.
Posible nga naman talaga yun.. pero ano nga bang gagawin ko kapag nangyari yun? Paano nga kung magka-ganun??
~ Ganun ba talaga kaliit ang tiwala mo sakin? ~
Parang bigla na lang bumalik sa alaala ko ang mga katagang yun ni Ken dahilan para mapangiti na ko at muling tumingin sa kaniya.
"Malaki ang tiwala ko kay Ken, bhe. Malaki ang tiwala ko sa pagmamahal niya sakin." panatag na sabi ko na ikinangiti niya.
"Yan ang gusto kong marinig sayo. Gusto kong maging panatag ang puso mo dahil sigurado ka at may tiwala ka sa pagmamahal ni Ken sayo. Ibig sabihin, napapadama niya ng tama yung nararamdaman niya sayo." nakangiti niyang sabi. "Dahil dyan, plus points sakin si Ken hahaha." banggit niya at nagkatawanan kami.
"Bhe, marami pa kayong pagdadaanan, pero basta buo yang tiwala mo sa kaniya.. Kayang-kaya niyong malampasan lahat yun." aniya.
"Salamat bhe huh. Swerte ko talaga sayo." aniko at niyakap siya.
"Naku, basta kapag nagka problema ka, huwag kang mahihiyang magsabi huh. Lagot ka sakin kapag naglihim ka." banggit niya na ikinatango ko.

BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomantizmIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...