CHAPTER 30

510 20 9
                                    

A/N:

May request lang po ako. Bago niyo po basahin tong chapter na to. Pwede niyo po bang alalahanin yung pinaka natatandaan niyong part na masaya yung dalawa? Para po mas maramdaman niyo yung sakit na nararamdaman ni Ken mamaya sa dulong part nitong chapter.

-----------------------------

KEN'S POV

Gumalaw ako sa kama at yayakapin sana si Rita nung wala akong maramdamang katabi ko. Napamulat ako at nagulat na wala siya sa tabi ko.

"Ahh.. Baka nasa cr lang." nakangiting banggit ko at napangiti sa nangyari samin kagabi.



Tinanggap na niya ang proposal ko kagabi haha. Sobrang saya ko talaga na magiging misis ko na rin siya, soon! Haaaaaayy... Sobra-sobra talaga yung sayang nararamdaman ko. Excited na kong magplano para sa kasal namin. Ano kayang mas gusto niya church, Garden, o beach wedding? Ako, mas prefer ko yung church wedding para mas solemn.. at literal na ihaharap ko talaga siya sa altar, hahaha. Napangiti naman ako sa naisip kong yun.

Umupo ako nung parang ang tagal naman niya lumabas, at nagtaka nung tila wala namang gumagalaw sa loob ng cr.


Hindi ko alam kung bakit, pero napatingin ako sa kinalalagyan ng maleta niya kagabi.. At wala na yun dun.



Bigla akong kinabahan. Parang biglang bumundol ang sobrang kaba at takot sa puso ko.

Pababa na sana ko sa kama para magbihis nung matigilan ako sa nakita ko.


Mabilis na namuo ang mga luha sa mata ko nang makita ang bagay na yun.. Yung mahalagang bagay na yun.


Nasa side table yung singsing na binigay ko sa kaniya kagabi. Bakit? Bakit nandito to?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya pero cannot be reach na siya.

Mabilis akong nagbihis at tinignan ang loob ng cr pero wala talaga siya dun.

Kinuha ko ang susi ko at ang singsing na yun bago ko lumabas ng kwarto at nagmadaling makapunta sa kotse ko.



"Hindi.. Hindi niya magagawa sakin to." naiiyak ko nang banggit habang nagmamaneho papunta sa bahay nila Rita. "Hindi niya ko iiwan. Nangako siya sakin." umiiyak kong kumbinsi sa sarili ko. "Nangako siya."



Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at mas pinabilis ang pagmamaneho ko para makapunta agad sa kanila.



Nabugaran ko agad si yaya Cora sa labas at nagdidilig.



"Yaya Cora.. Nandiyan po ba si Rita?" tanong ko agad nung makalapit sa kaniya.




"O iho! Ginulat mo naman akong bata ka." aniya. "Naku, wala dito si Rita. Kagabi pa nga siya hindi umuuwi pero mukhang nakapagpaalam naman sa daddy niya, kaya hindi siya nag-alala sa kaniya." banggit niya. "Akala ko nga e magkasama kayo kasi hindi siya natulog dito."





"Hindi pa po ba siya umuuwi?" alala kong tanong.



Kinakabahan talaga ko. Hindi ko talaga gusto tong nararamdaman kong takot sa puso ko. Hindi ko gusto tong nasa isip ko.



"Hindi pa iho. Bakit ba? Nag-away ba kayo?" tanong niya.






"Alam niyo po ba kung saan sa Singapore siya magsstay huh?" tanong ko na nagsisimula na uling maiyak dahil unti-unti na kong sinusuntok nang katotohanan na iniwan na nga niya ko.



Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon