KEN'S POV
Agad akong lumabas ng kotse nung maihinto ko yun sa tapat ng bahay namin.
Matagal-tagal na rin pala kong hindi nakakauwi dito.
Tinawagan ako ni daddy na kung pwede ay pumunta ako dito dahil may ibibigay sya sakin.
"Kennie!" masayang bati agad ni yaya Mildred nung makita niya ko. Agad niyang binuksan yung gate ng bahay namin.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.
"Ayyy, naku... Namiss kitang bata ka." banggit niya at pinagmasdan ako. "Mas lalo kang gumwapo ngayon huh." banggit niya na mas ikinangiti ko.
"Inlove kasi ya." aniko na ikinagulat niya.
"Aba, bumalik na si Carie?" tanong niya.
"Ya, hindi siya yung tinutukoy ko." nakangiting banggit ko. "Gising na si daddy?"
"Ayy, oo.. Nasa loob na. Halika, at may bisita ka rin." banggit niya at niyaya na ko sa loob.
"KUYA!!!" masiglang bati ni Luigi pagkapasok ko sa bahay.
"O, nandito ka rin, haha." banggit ko at agad niyakap siya. "Kamusta? Kelan ka nakabalik galing States?" tanong ko.
"Kahapon lang kuya." nakangiting banggit niya at humiwalay na sa yakap ko.
"Sana sinabi mo sakin para napasundo kita." nakangiting banggit ko.
"Okay lang yun kuya, kasabay ko naman si mommy pauwi eh." banggit niya.
"Ahh..." aniko at naglakad na.
"Kuya, hanggang ngayon ba, galit ka pa rin kay mommy?" tanong niya.
"Wait... gusto mo bang kumain? Tara magpahanda tayo kay yaya-"
"Kuya, patawarin mo na si mommy. Hindi naman niya ginustong iwan ka noon eh." malungkot niyang sabi. "Kung may dapat sisihin sa nangyari... si daddy at ako yun. Kami ang umagaw sa mommy mo."
"Mga anak, ang aga-aga oh.. Lika na kayo, ako ang nagprepare ng breakfast." banggit ni daddy na kalalabas lang galing kusina.
I patted his shoulder.
"Wala kang kasalanan sa nangyari Luigi. Huwag ka nang mag-iisip ng ganun huh." banggit ko.
"Pero totoo naman kuya eh.. Kung hindi dahil sakin-"
"Shh... tara na. Kain na tayo huh." aniko at niyaya na siya sa dining area.
Kumain muna kami nang sabay-sabay. Mas maraming napagkwentuhan sila daddy at Luigi dahil mas updated sila sa isa't-isa. Kung titignan mo sila ay para din naman silang mag-ama dahil sa closeness nila.
Tanggap ni daddy si Luigi dahil noon pa man ay mabait na siya samin. Mula nang magka-isip si Luigi ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang humingi ng tawad samin ni daddy dahil sa pang-aagaw ng daddy niya sa mommy ko.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...