KEN'S POV
Isang linggo na mula nung maging okay kami uli nila mommy. Nandito kami ngayon sa beach resort na pag-aari ng pamilya namin. Pinasara muna ito ni daddy dahil sa gaganapin dito. Naisipan naming i-celebrate uli ang birthday ni mommy dito kaya pinapunta namin maging ang mga kamag-anak namin.
Busy ang lahat sa paghahanda ng malaking mesa dito sa tabi ng beach nung makarinig kami ng pagdating ng sasakyan.
"O, may iba pa ba kayong bisita pinsan?" tanong ni Jexter.
"Hindi ba van iyon nila Rhoniel?" tanong ko. "Rhoniel, may naiwan pa ba sa inyo?" tanong ko nung tignan si Rhoniel.
"Ah.. May pinasundo kasi si tita." banggit niya.
"Sino?" tanong ko. "May kulang pa ba satin?"
"Meron pa. Yun oh." banggit niya at tinuro yung van.
Nagulat ako sa nakita ko at napangiti nang makita si Rita.
"Ate!" tawag ni Luigi at pinuntahan si Rita.
Nakangiti namang lumapit din si Rita sa kaniya.
"Naks! Ang ngiti oh. Aabot na hanggang langit!" tukso nila Rhoniel dahilan para mas napangiti pa ko.
"Hi. Surprise!" nakangiting banggit niya nung makalapit samin.
Kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti pero hindi ko talaga mapigil ang ngumiti dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon.
Niyaya ko si Rita kahapon pero sabi niya ay hindi siya pwede dahil may pupuntahan siya kaya nagulat talaga ko na nandito siya.
"Akala ko ba may pupuntahan ka?" nakangiti kong tanong.
Argh!! Nakakainis! Hindi ko talaga mapigilang hindi kiligin, haha. Na-surprise talaga ko na nandito siya.
"Meron nga. Eto oh. Dito yung pupuntahan ko." nakangiti niyang sabi.
"Rita!"
Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses ni mommy.
"Ahh.. Sige, batiin ko muna si tita huh. Ibibigay ko na rin tong regalo ko sa kaniya." paalam niya.
"Samahan na kita ate. Kukuha din kasi ako ng mga pagkain sa loob." banggit ni Luigi.
Nakangiti namang tumango si Rita at sabay na silang naglakad.
Yes!! Yes!! Yes!! Thank you Lord!!! 3 days kami dito kaya posibleng 3 days ko rin siya makakasama! Hahaha.
Napatingin ako kay Rhoniel nung idikit niya ang tenga niya sa dibdib ko.
"Ang lakas ng kabog ng dibdib oh.. Rita. Rita. Rita." banggit niya at umayos ng tayo bago tumawa.
"Inlove na inlove mga tol! Hahahaha." tawa rin ni Lemuel.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...