KEN'S POV
"Ta, magpahinga ka na." banggit ko dahil nakabantay pa rin siya kay Kalvin.
Gabi na at ni hindi pa siya umaalis sa kinauupuan niya nung mailipat dito sa private room si Kalvin.
Hinahaplos niya ang buhok ng anak namin habang hawak sa isa pa niyang kamay ang maliit na kamay ni Kalvin.
"Kasalanan ko to Ken. Hindi ko nabantayan ng ayos ang anak natin." umiiyak na naman niyang banggit habang nakatingin sa anak namin.
Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.
"Hindi mo kasalanan to, Ta. Si Carie ang dapat sisihin dito. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, huh." bulong ko at mas niyakap siya.
"Kawawa naman si Kalvin, Ken. Hindi niya dapat naranasan to kung hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya." umiiyak niyang sabi.
Pinaayos ko siya ng upo at dinala siya sa dibdib ko.
"Ta, okay na si Kalvin. Hindi siya matutuwa kapag nakita ka niyang iyak ng iyak.. Tahan na huh." bulong ko at hinalikan ang ulo niya. "Hindi mo to kasalanan." aniko.
Yumakap na rin siya sakin.
"Magpahinga ka na." masuyong banggit ko at hinaplos-haplos ang buhok niya.
Ilang minuto lang ay mukhang nakatulog na siya.
Binuhat ko siya papunta sa sofa para mas makatulog na siya ng ayos.
Hinalikan ko ang noo niya at muling bumalik sa upuan kanina at pinagmasdan ang anak naming may nakatusok na dextrose sa kamay.
"Pagbabayarin natin siya sa ginawa niya sayo, anak. Hindi papayag si daddy na hindi tayo makakabawi sa kaniya. Pangako yan." banggit ko at kinuha ang maliit niyang kamay at hinalikan iyon.
--------------------------------
RITA'S POV
Nagising ako kinabukasan at napansin si Ken na nakaulo sa kama ni Kalvin. Doon na siya nakatulog.
Tumayo ako at naghilamos sa cr bago muling bumalik sa kinaroroonan ng anak namin.
"Mommy.." mahinang banggit ni Kalvin dahilan para umupo ako sa kama niya.
Nagising din si Ken at napakusot ng mata nung marinig si Kalvin.
"Anak." banggit niya at ngumiti.
"Daddy.." nakangiti na ring banggit ni Kalvin.
"Kamusta ang pakiramdam mo anak, huh?" tanong ko.
"Hindi na po masakit ang ulo ko mommy." banggit niya kaya napangiti ako.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo nang kumain?" tanong ni Ken.
Tumango naman si Kalvin.
Tumayo si Ken at pumunta sa table. Hindi ko napansin na may mga bag pala don.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...