CHAPTER 50

483 22 3
                                    

RITA'S POV




Nandito ako ngayon sa office ni Ken dahil nakikibalita ako sa paghahanap nila kay Carie. Isang linggo na ang nakalipas pero mailap pa rin talaga ang babaeng yun. Ni hindi na kami makatulog sa gabi dahil sa pangambang baka may gawin na naman siya sa anak namin.







Tatlong araw na rin mula nung makalabas ng hospital si Kalvin, at sa ngayon ay nandun muna siya sa parents ni Ken dahil gusto naming mag-focus sa paghahanap kay Carie. Hindi kami matatahimik hangga't hindi namin siya nakikita at naipapakulong.







Nagring ang cellphone ni Ken kaya agad niyang sinagot iyon.








"Mommy, bakit po?" banggit niya. "Po?!!" aniya at biglang napatayo.








"Ken, bakit?? May nangyari ba??" alalang tanong ko.







"Mommy, huminahon po kayo. Pupunta na po kami diyan ngayon din. Magpapapunta na rin ako ng mga pulis para mag-imbestiga." banggit niya at agad na pinatay ang call.









"Anong nangyari Ken?" tanong ko at lumapit sa kaniya.











"Nawawala si Kalvin." banggit niya at nahampas nang marahas ang table niya. "Pakana mo na naman ba to, Carie?!!"








Hindi.. Ang anak namin.. Nawawala si Kalvin??









Bigla akong nanghina kaya napaupo ako nang di oras.








"Ta.." alala niyang banggit at agad akong inalalayan.








Si Kalvin.. Ano na namang pwedeng mangyari kay Kalvin?? Kawawa naman ang anak ko..









Nag-iiyak na ko dahil sa takot na pwedeng mangyari sa anak ko. Paano kung patayin niya si Kalvin dahil sa sobrang galit niya samin??









Kung nagawa nga niyang lasunin ang anak ko.. Magagawa niya uling pagtangkaan ang buhay niya.. Kawawa naman ang anak ko.. Baka umiiyak na yun ngayon at hinahanap ako..







Nakaramdam ako bigla ng papanakit ng puson ko dahilan para hawakan ko iyon.









"Ahh!!" aniko at namilipit sa sakit.









"Ta?" nag-aalalang banggit ni Ken at inalalayan.









"Ken, ang sakit ng puson ko. Ahh!!" aniko at halos mapaupo na.








Napatingin siya sa likod ko.









"Ta, dinudugo ka!!" dinig ko ang sobrang pag-aalala sa boses niya ng banggitin iyon.







Agad niya kong binuhat at nagmamadaling lumabas ng office niya.










"Reyson, magpunta kayo sa bahay nila daddy ngayon din! Paimbestihan mo kung paano nawala si Kalvin!!" utos niya nung makita niya si Reyson.








"Yes sir. Ipadadala ko na rin po sa harap ng building ang kotse niyo." banggit niya kaya agad nang naglakad uli si Ken.








"Ken, yung anak natin.. Hanapin mo si Kalvin.." umiiyak kong sabi dahil takot na takot na ko sa pwedeng mangyari pa sa anak ko.








Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon