RITA'S POV
Kumain kami ng lunch sa isang kilalang Restaurant at totoong para pala talaga sakin yung bulaklak na dala-dala ni Charm kanina.
Ilang beses niya kong tinukso dahil sa pagseselos ko kay Carie, at mukhang tuwang-tuwa talaga siyang malaman yun. Ilang beses niyang ipinagpilitang may nararamdaman na ko sa kaniya kahit ilang beses ko nang itinanggi sa yun.
Niyaya ko na lang siyang manood ng sine para matahimik na siya pero kahit pala sa sinehan ay mang-aasar pa rin siya. Habang nanonood ako ay binubulungan niya ko dahilan para hindi ko rin maintindihan ang pinapanood ko.
"Rita, tignan mo yung babae, halatang-halata din yung pagseselos niya." natatawa niyang bulong.
"Tumigil ka na nga! Kanina ka pa nang-aasar eh!" bulong ko rin sa kaniya.
"O, bakit ka naaasar? Sinasabi ko lang naman yung napapanood ko eh, haha. Ang cute kaya pag nagseselos ang babae." nakangiting banggit niya.
Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa lang niya.
Masayang-masaya talaga sya sa pang-aasar sakin.
Gabi na at nandito kami sa isang Hotel and Restaurant na pag-aari ng pamilya nila.
Nandito kami para magdinner. Sobrang romantic ng ambiance dito dahil mariringgan ang paligid ng tugtog ng piano na bagay na bagay sa mga couples na kumakain dito. Mukhang pang mayaman talaga ang Restaurant na to dahil sobrang classy ng mga tao dito.
Nagddessert na kami nung may lumapit saming mga violinist at tumugtog ng Beautiful in my Eyes.
Napangiti ako sa kanila dahil ang galing nila tumugtog. Ang sarap sa tenga ng pagtugtog nila. Alam na alam nila ang piyesa nila at kitang-kita na professional sila.
Napatingin ako kay Ken nung mag-ehem sya, para siguro muling mapukaw ang atensyon kong naka-focus na lang dun sa mga violinists. Nakangiti niyang kinuha ang wine niya.
Kinuha ko rin ang baso ko ng wine at nakipag-cheers sa kaniya. At nakangiti naming inenjoy ang mga oras na yun.
Pagkatapos tumugtog nung mga violinists ay napatingin ako sa paligid nung tumugtog naman ang isang familiar na kanta. Napatingin ako muli kay Ken pero nagkibit-balikat lang siya.
Napangiti naman ako nang pumapailanlang ang kantang "Sana ay ikaw na nga"
Alam kong si Ken ang may pakana nang pagtugtog ng kantang iyon, hahaha.
"May natatandaan ka dyan?" tanong niya na ikinatawa ko.
"Para ka talagang sira noh?" nakangiti kong sambit.
Inilagay niya ang kamay niya sa tenga niya na parang nakikinig habang makahulugang nakatingin sakin.
"Tumigil ka nga." nakangiti kong sabi at inirapan siya.
Natatawa namang umayos na siya ng upo.
"Well... Okay lang, kahit naman hindi mo pa kantahin.. alam ko na namang mahal mo na ko eh, hahahaha. At mahal na mahal din kita, Ta." masaya niyang banggit at naghum pa nung song.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...