RITA'S POV
Kita ko ang gulat sa mukha ni Ken nung makita niya ko sa office niya.
"O Rita, napapadalas naman ata ang pagbisita mo sakin? Nung isang araw lang may dala kang lunch ah, ngayon naman may pa-cake ka pa." nakangiting banggit niya at nilapitan ako. "Nakakahiya naman sa girlfriend ko oh, haha. Namiss mo ko noh?" nakangiti niyang tanong.
Tumango ako at tinitigan ang gwapo niyang mukha dahil baka hindi ko na yun uli magawa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin to kay Ken dahil alam kong hindi rin naman niya maiintindihan agad.
"Happy monthsary." nakangiting banggit ko at inabot ang cake sa kaniya.
"Monthsary? Ta, ang aga mo naman para sa monthsary natin." banggit niya na kitang-kita ang pagtataka sa mukha.
"Ibig kong sabihin.. Happy 7th monthsary nang pagkakakilala natin." banggit ko at hinawakan ang pisngi niya. Ang malambot niyang pisngi na masarap ding pisilin.
Gusto kong maging familiar sa mukha niya.. Gusto kong hindi malimutan ng puso ko na minsan, ang lalaking nasa harap ko ay pinaramdam sakin kung paano maging masaya uli.
Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mata ko kaya pasimple akong tumungo at pinunasan ang luha ko bago pa niya makita yun.
"Tara," yaya ko sa kaniya.
"Saan?" masaya at excited niyang tanong.
~ My God, Ken.. huwag mo kong bigyan ng ganyang mga ngiti.. baka hindi ko kayanin ~
"Gumala tayo. Pumunta tayo sa kung saan-saan." nakangiting banggit ko. "Ah, wait lang huh, pagamit ako saglit ng cr mo." aniko at agad tumakbo don dahil parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti.
Tahimik akong umiyak sa loob ng cr niya at inayos ang sarili ko bago ako lumabas.
"Pina-clear mo ang schedule ko kay Charm para sa biglaang trip nating to? First time yun huh." masaya niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. "Pero gusto ko to. Happy 7th monthsary nang pagkakakilala natin, Ta. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundo ko." banggit niya dahilan para tignan ko siya. "Totoo yon."
Nagbigay ng kulay sa mundo niya?
"Salamat din dahil dumating ka sa buhay ko Ken. Thankful ako na nakilala at minahal kita." nakangiti kong sabi.
"Naks! Nakakakilig naman yun." kinikilig niyang sabi kaya natawa ko.
"Tara na nga!" banggit ko at magkahawak kamay kaming lumabas na ng office niya. "Bye Charm, thank you." nakangiti kong sabi.
Nakangiti rin naman siyang nagpaalam samin.
"Mukhang kailangan kong bigyan ng bonus si Charm ah. Laging siya ang taga-salo kapag may biglaan tayong lakad, hahaha."
"Oo, kaya dapat talaga may bonus siya." banggit ko.
"Yes ma'am!" sambit niya at sumaludo pa kaya nagtawanan kaming dalawa. "Saan ba tayo?"
"Hindi ko alam eh. Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ko.
"Hmm... roadtrip tayo papuntang Tagaytay. Kain tayo ng strawberry taho." banggit niya kaya ngumiti ako at tumango.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...