RITA'S POV
Napabangon ako sa kama nung tumunog ang alarm clock nun. Sinet ko talaga yun para aware ako sa oras.
Agad akong nagpunta sa cr nung maiayos ko na ang susuutin ko. Excited ako ngayon dahil nagtext kagabi si Ken at nagyayang makipag-date. Pina-clear daw niya ang schedule niya after lunch para makasama ko. Namimiss na daw niya ko dahil apat na araw na kaming hindi nagkikita, though every night naman ay magkausap kami para magkwentuhan.
Eksaktong katatapos ko lang mag-ayos nang makatanggap ako ng isang tawag. Akala ko galing yon kay Ken.. pero si Lester pala ang tumatawag.
"O, Lester, bakit?" nakangiti kong tanong.
(May gagawin ka ba bukas?)
"Hmm.. Wala naman. Bakit?" tanong ko.
(May gusto sana kong sabihin sayo eh. Pwede kitang yayain maglunch bukas?)
"Ah.. Hindi ba pwedeng dito mo na sabihin? Tutal magkausap na naman tayo." nakangiti kong tanong.
Bakit kaya?
(Mas gusto ko kasi sanang personal kang makausap eh)
"Ahh.. Okay, sige." aniko.
(Susunduin na lang kita bukas)
"Hindi na. Itext mo na lang saan tayo magkikita para hindi ka na maabala." banggit ko.
(Hindi ka naman abala sakin eh) banggit niya na ikinataka ko.
Nahihiwagaan ako sa tono ng boses niya ngayon. May nangyari ba sa kaniya?
"Pero nakakahiya pa rin kaya pupuntahan na lang kita huh. Itext mo na lang kung saan." banggit ko.
(Okay. See you bukas)
"See you." banggit ko na lang din at pinatay na yung call.
Nahiwagaan talaga ko kay Lester ngayon. Hindi ko maintindihan kung dahil ba sobrang seryoso niya o dahil kakaiba yung pakikipag-usap niya sakin ngayon.
Haaaay... Yaan mo na nga, baka pagod lang siya. Agad ko nang kinuha ang bag ko at bumaba.
Sumakay ako ng taxi papunta sa building nila Ken. Gusto ko siyang surpresahin ngayon. Ang usapan kasi namin ay magkikita na lang kami sa Restaurant kung saan kami kakain.
Nakangiti kong binati ang mga empleyado niya na ngumiti rin sakin. Naaalala nila ko dahil dun sa ginawa naming kalokohan ni Ken noon hahahaha.
Ano kayang magiging itsura niya kapag nakita niya ko? Gulat na gulat malamang yun, hihihi.
Pagdating ko dito sa tapat ng office niya ay nagtaka ko na wala si Charm.. yung secretary niya. Bakit kaya? Ahh.. Baka nag-cr lang kaya dumiretso na rin ako ng bukas ng pinto nang office niya.
Nagulat siya, oo.. pero mas nagulat ako sa nakita ko.. Yakap-yakap siya nung ex-girlfriend niya.
Wow.. Just wow!!
"Rita?! Ta!" banggit niya at pinilit na tanggalin ang yakap nung Carie.
Agad akong umalis doon dahil nakaramdam ako ng bigat sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...