Ilang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan bago maging masaya?
Kailan mo masasabing nagmahal ka talaga? Sapat na nga ba talagang pagkatiwalaan ang taong kelan mo lang nakilala? Magagawa mo nga bang mahalin ang taong katulad mong bigo? Ipagkakatiwala mo ba ang puso mo sa isang estranghero?
Napataas ang kilay ko sa nabasa ko.
"Ang emo naman nitong nagsulat nito, si Regine talaga basta makapagpasa lang ng kung anu-ano sakin eh. Broken na naman siguro tong babaeng to." banggit ko at tinawagan si Regine.
Buti naman at sinagot agad niya.
"Bhe, anong kadramahan tong pinasa mo huh?" tanong ko sa kaniya.
(Bhe, ang ganda di ba? Lakas maka-emo hahahahaha)
"Luka-luka ka talaga. Ano, iniwan ka na naman noh? Ilang beses ko na kasing sinabi sayo na hindi ka dapat nagtitiwala sa mga taong nakikilala mo sa bar. Katawan lang habol sayo nung mga yun." pangaral ko sa kaniya.
(Bhe, hindi ko rin naman sila sineseryoso eh kaya quits lang, hahahaha)
Napailing na lang ako sa bruhang babaeng to. She's my high school bestfriend na until now ay kasa-kasama ko pa rin. Luka-luka minsan yang babaeng yan pero once na mag-usap kayo ng seryoso niyan. Sobrang lalim niyang kausap. Ipapayo niya sayo kung ano sa tingin niyang tama para sa lahat.
(Bhe, labas tayo mamaya. Mag bar tayo uli. Maghappy-happy tayo!)
Masaya niyang banggit pero alam ko deep down in her heart, nasasaktan siya. Matagal na kaming magkakilala at basang-basa ko na siya.
Hindi kami magiging magbestfriends kung hindi kami magkatulad. Para kaming salamin na makikita ang repleksiyon namin sa isa't-isa kaya ramdam kong may dinaramdam siya ngayon.
"Sige bhe! Same time mamaya?!" masaya kong banggit sa kaniya.
Gusto kong isipin niya na excited ako dahil gusto ko ring gumimik. Ang totoo, gusto ko lang din talaga masamahan siya kahit hindi siya magsabi ng problema sakin. Ganun naman siya minsan eh, mas gusto niya na sinasarili ang problema at gumawa ng aksyon ng mag-isa kaya ako, lagi lang nakaalalay sa kaniya.
(Sunduin kita mamaya huh. Bye!)
"Bye!" nakangiting banggit ko at pinatay na ang call.
Napatingin ako sa picture frame sa side table ko at napangiti.
"Good morning." banggit ko bago tumayo at naghanda na para kumain ng breakfast.
---------------------------------
KEN'S POV
"Ayoko nga sabi! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" inis na banggit ko kay Rhoniel.
"Ken, paminsan-minsan kailangan mo ring mag-unwind. Tignan mo nga oh, salubong na ang kilay mo dahil lagi ka na lang subsob sa trabaho. Lika na mamaya, sama ka na sakin!" pangungulit niya.
"Ayoko nga sabi. Marami pa kong tatapusin." banggit ko at binasa na ang mga papeles sa harap ko.
"Maraming chicks don Ken, ipapakilala kita sa kanila." banggit niya.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...