RITA'S POV
Pagkarating ko sa parking Area ng building nila Ken ay tinignan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror at ngumiti.
"Asarin ko kaya uli siya? Hahaha." natatawang banggit ko sa sarili ko at kinuha na ang paper bag na kinalalagyan ng coat niya.
Naglakad ako sa lobby at ngumiti sa mga taong tumingin sakin. Hindi ko alam kung kilala ba nila ko kaya sila nakatingin sakin o nagtataka lang talaga sila dahil may bagong mukha silang nakita dito.
Dumiretso na ko sa elevator para makapunta sa floor kung saan nandun ang office ni Ken.
"Narinig ko talaga, si sir Ken ang hinahanap niya." bulong nung isang babae sa kasama niya.
"Sino siya? Girlfriend ni sir?" bulong din nung isa.
"Hindi ko rin alam eh, pero dinig ko talaga na si sir Ken yung hinanap niya sa information desk." ani nung isa.
"So, may girlfriend pala si sir." ani nung isa.
Hahahaha. Grabe naman tong mga empleyado niya. Akala ba talaga nila na bakla siya? Hahaha.
"Imposible naman di ba kasi ang sabi nila, bakla daw si sir eh." sagot nung isa.
Tumunog yung elevator katunayan na nakarating na sila sa floor nila.
Naglakad na sila papunta sana sa labas ng elevator nung tawagin ko sila.
"Mga ate," banggit ko na ikinatingin nila sakin. "Rita nga pala. Girlfriend ako ni Ken Chan... yung boss niyo. FYI lang, hindi bakla ang boyfriend ko." nakangiting banggit ko sa kanila.
Pareho silang nagulat.
"Sorry po ma'am," banggit nila.
"Okay lang. Pasensya na rin kayo sa babe ko huh. Selosa kasi ako kaya para makaiwas sa pag-aaway namin, iwas talaga siya sa ibang mga babae. Pasensya na." natatawang banggit ko.
"Okay lang po ma'am." nakangiting banggit nung isa at lumabas na sila.
"May girlfriend pala si sir." narinig kong banggit din nung isa bago nagsara ang elevator.
Hahahahaha. At talagang naniwala silang boyfriend ko siya hahahaha. Napaka-judgmental naman pala nung mga empleyado ni Ken. Ang gwapo-gwapo kaya niya, kaya paano nila naisip na bakla siya? Hahahaha.
Pagdating ko sa tapat ng office niya ay hinarang ako agad ng isang babae. Secretary niya siguro.
"Sorry po ma'am pero meron po ba kayong appointment kay sir ngayon?" maarte niyang tanong.
Ayy.. Attitude ka ghorl? Hahahaha.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha niya. Gusto ko lang ma-intimidate siya sakin, haha.
"Kailangan ko bang humingi appointment para makausap ang boyfriend ko?" tanong ko.
"Girlfriend po kayo ni sir?" gulat na gulat niyang tanong.
I flipped my hair at humawak sa bewang ko.
"Yes dear. Gulat ka?" ma-attitute ko ring tanong.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
Roman d'amourIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...