CHAPTER 24

449 21 4
                                    

KEN'S POV



Paglabas ko ng cr after magshower ay nakita ko si Rita na nakatayo habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.



Nagulat siya nung bigla ko siyang yakapin mula sa likod.





"Parang ang lalim naman ata ng iniisip mo. May problema ba?" tanong ko.







Humarap siya sakin at niyaya akong maupo. Actually, kahapon ko pa napapansin yung pagiging tahimik niya eh, pero sabi niya wala lang daw yun. Pagod lang daw siya sa pamimili kahapon.. pero nag-aalala na ko ngayon. Hindi naman siya ganito eh.









Umupo kami dito sa sofa sa balcony nung hotel, kung saan kitang-kita ang sobrang gandang tanawin at napakalinaw na tubig ng Maldives.





Pagkaupo niya ay agad siyang sumiksik sakin. Napangiti ako pero hindi rin napigilan ang mag-alala sa inaakto niya.







"Uy, ano ba talagang problema? Bakit ganyan ka?" alala kong tanong at niyakap siya.







"Nag-iisip lang ako." banggit niya.





"Nang ano?" tanong ko. "Pwede kang magshare sakin kung may gumugulo sa isip mo."







"Wala naman to. Nag-iisip lang ako ng kung anu-ano." banggit niya at tumingin sakin. "Pwede akong magtanong?"








"Oo naman. Ano yun?" tanong ko.





"Ilang taon ang naging relasyon niyo ni Carie?" tanong niya na ikinataka ko naman.






"Bakit mo naitanong? Paano siya napasok sa isip mo?" tanong ko.





Kinausap ba siya ni Carie?






"Wala naman. Naalala ko lang siya bigla." banggit niya kaya nakahinga naman ako dun.





Akala ko kinausap siya ni Carie eh. Ilang linggo na kong kinukulit ni Carie na makipag-usap sa kaniya pero lagi ko lang siyang pinagtatabuyan.






Okay na ko. Sinabi ko na sa kaniyang pinatatawad ko na siya at wala na kaming dapat pang pag-usapan pero sobrang kulit talaga niya dahil gusto daw niyang maayos kami uli.





Hindi ko na yun sinabi kay Rita dahil ayokong maparanoid siya. Baka mawalan pa siya ng tiwala sakin kapag nalaman niyang pinupuntahan pa rin ako ni Carie sa office, kaya ako na mismo ang umiiwas sa kaniya.






"So, may taon ba?" tanong niya uli.








"Almost 2 years." banggit ko. "Pero on-and-off naman kami kaya parang hindi rin naman kami naka one year kung tutuusin." banggit ko.





"Paano kayo nagkakilala?" tanong niya.




"Ta.." banggit ko. Hindi ko alam kung saan ba ang patutunguhan nitong mga tanong niya eh.






"Sabi mo pwede akong magtanong di ba?" malambing niyang sabi at humilig sa dibdib ko.




Bumuntong-hininga ko.






"Isa siya sa mga kaklase ko nung college. Nagkita kami sa birthday party ng daddy niya noon kung saan kami unang nagkausap."









Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon