RITA'S POV
Kakaiba pala yung pakiramdam na makatapak ako uli dito sa Pilipinas. Limang taon na rin ang lumipas.
Kamusta na kaya siya?
Napatingin ako sa batang kasama ko at napabuntong-hininga. Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa kaniya.. Hindi dapat makarating sa kaniya na nagbunga yung nangyari samin noon.. Alam kong mas makapangyarihan na siya ngayon at hindi ako magtataka kung kunin niya sakin si Kalvin, once na malaman niya ang totoo.
"Papa!" sigaw ni Kalvin at agad na tumakbo papunta kay Lester.
Agad umupo si Lester at niyakap ang anak ko. Binuhat niya siya at hinalikan sa pisngi.
"Kamusta ang baby ko huh? Kamusta ang byahe mo, hmm??" tanong niya habang kinikiliti ang anak ko.
"It went well papa, but it's so hot here. I want an ice cream." banggit niya at tinanggal ang salamin niya na agad ko namang ibinalik.
"Kalvin, di ba ang bilin ko sayo huwag mong tatanggalin ang salamin mo kapag nasa labas tayo?" banggit ko sa kaniya.
"Sorry mommy." hinging pasensiya niya.
"Ikaw naman, huwag ka ng magalit sa bata." banggit ni Lester. "Gusto mong ice cream huh? Bibili tayong ice cream." nakangiting banggit niya sa baby ko at naglakad na kami.
"Yehey! Thank you papa!" masayang banggit ng anak ko at niyakap siya.
"Haaay Lester.. Lagi mo na lang iniispoil yang anak ko." anikong naiiling.
"Okay lang yun. Matagal ko rin tong hindi nakasama eh." masaya niyang sabi at hinalikan ang pisngi ng anak ko na ikinatawa naman nung bata.
Si Lester ang may pakana kung bakit papa ang tawag sa kaniya ni Kalvin. Mula nung matutong magsalita ang anak ko ay "papa" na ang pakilala niya sa kaniya.
Nagkita kami sa Canada 5 years ago. Pareho kaming nagulat nung makita namin ang isa't-isa doon. Malapit lang din ang tinitirahan niya sa tinitirahan namin ni Regine kaya nakakabisita siya ng madalas samin.
Sabi ni Regine ay may kutob siyang may alam si Lester sa pagpunta ko sa Canada dahil sobrang laking coincidence naman daw na mamalagi siya bigla don nung mapunta din kami don.. Pero hindi ko na lang inisip yun dahil naging malaking tulong din naman si Lester samin lalo na nung malaman kong buntis ako.
Siya ang katulong namin habang lumalaki ang tiyan ko at hanggang maipanganak ang anak ko. Hindi rin siya nawala nung lumalaki na siya, bukod sa nakalipas na dalawang buwan dahil umuwi siya dito sa Pilipinas. Alam ko na ang nararamdaman ni Lester sakin pero malinaw na sa kaniya na wala sa priority ko ang lovelife. Mas mahalaga sakin ngayon ay ang mapalaki ng maayos ang anak ko. Tinanggap naman niya yung desisyon ko, at tumayo na lang na tatay sa anak ko.
"Kamusta si daddy?" tanong ko nung nandito na kami sa sasakyan niya.
"Hindi pa rin maganda ang lagay niya eh. Under observation pa rin." banggit niya na ikinabahala ko.
Nagulat ako sa pagtawag ni yaya Cora kahapon dahil isinugod daw sa hospital si daddy kagabi. Agad akong nagbook ng flight para makabalik ng Pilipinas ngayon at makita ang daddy ko.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...