RITA'S POV
Bigla akong naguluhan sa mga nangyayari... Pagbalik namin sa hall kung saan idinadaos ang birthday party ng mommy nila Ken ay nakita naming nagkukumpulan ang mga tao sa gitna kaya pumunta kami don ni Lester.
Naririnig ko ang galit na boses ni Ken kaya agad akong sumingit sa mga tao para mapuntahan siya.
At tama ako. Galit na galit siya habang kausap ang isang babae at mommy niya. Nanginginig na sya sa galit at tila walang may gustong umawat sa kaniya dahil kitang-kita mo kung gaano kabigat ang dinaramdam niya.
Isang napakasakit na salita ang binitawan niya sa mommy niya dahilan para lapitan ko siya at piliting umalis na doon dahil baka mas makapagsabi pa siya ng mga bagay na pagsisisihan din niya kalaunan.
Nagpunta kami dito sa isang park at ibinuhos niya lahat ng galit na kinikimkim niya. Nung una hinayaan ko siyang sumigaw pero nang saktan na niya ang sarili niya ay dun na ko umawat.
Hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya kung hindi siya matututong magpatawad.
Nagkaroon kami ng sagutan dahilan para maungkat ang lahat ng sakit na naramdaman ko rin noon. Inilabas ko rin sa kaniya lahat ng sakit na akala ko ay nakalimutan ko na dahil sa pagkawala ng mga mahal ko. Doon na siya tila natauhan at niyakap ako. Hindi niya ko pinakawalan kahit pilit ko siyang tinutulak hanggang sa sumuko na lang ako. Nakakapanghinang maalala uli ang lahat. Masakit. Sobrang sakit.
Patuloy ako sa paglalabas ng sama ng loob ko nung bigla niya kong halikan. Sobra kong nagulat sa ginawa niya.. pero dala na rin ng kakaibang emosyon ay gumanti ako ng halik sa kaniya.
Unti-unting napakalma muli ng mga halik niya ang pakiramdam ko. Tila binubura nun ang mga mapapait na alaalang nasa isip ko.
Napatingin ako sa kaniya nang maghiwalay ang mga labi namin.
"Hindi kita gustong makitang nasasaktan, Rita. I'm sorry kung nasabi ko yung mga yon." mahinahon nang banggit niya.
"Hindi kita mapapatawad." banggit ko na ikinagulat niya.
"Ta." aniyang tila nasaktan sa sinabi ko.
"Paano kung yun yung sabihin ko sayo? Paano kung sabihin ko sayong hindi kita mapapatawad sa ginawa mo?" tanong ko.
"Rita naman.."
"See? Masakit di ba? Masakit masabihan ng ganun, Ken. Masakit marinig sa taong mahalaga sayo na hindi ka niya mapapatawad, kaya sana maintindihan mo kung gaano rin kasakit yung mga salitang binitawan mo kanina sa mommy mo." banggit ko sa kaniya at hinipo ang pisngi. "Naiintindihan ko naman na nasasaktan ka eh." naiiyak kong sabi. "Pero pahihirapan mo lang lalo ang sarili mo kung hindi ka matututong magpatawad, Ken. Mas lalo kang kakainin ng galit mo, kung patuloy mong hahayaan yan diyan." umiiyak kong sabi at hinawakan ang dibdib niya.
"Ta, sobrang sakit pa rin kasi eh.." umiiyak niyang sabi at hinawakan ang kamay kong nasa dibdib niya. "Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali para gawin nila sakin yun." hagulgol niya kaya niyakap ko siya.
Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.
"Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad." umiiyak niyang sabi at yumakap din sakin.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...