CHAPTER 39

703 31 20
                                    


KEN'S POV



Haaaay.. Hindi ako makapagtrabaho ng ayos. Kamusta na kaya siya? Okay na kaya ang mga pasa niya?






Kinuha ko ang papeles sa table ko at binasa iyon pero walang pumapasok sa utak ko. Naaalala ko kung anu-ano ang mga pinaggagawa ko kay Rita nung magkasama pa kami. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis sa sarili ko. Sobra ko siyang nasaktan. Haist!!






2 weeks na kong ganito. Hindi ako mapakali. Gusto ko siyang makita.. Gusto ko siyang makasama uli.. pero pagkatapos nang lahat ng mga ginawa ko sa kaniya? Malamang na umalis na lang yun uli at hindi na magpakita sakin. Malamang na ni anino ko ayaw niyang makita na.






Argh!! Rita! I miss you so much.. So d*mn much!






Napatungo ako dito sa table ko dahil nakakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.






Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon.






"Luigi.. What brings you here?" tanong ko.






Tumingin siya sa pinto at nagulat ako sa sumunod na pumasok.





"Rita." banggit ko.






God! Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.





Nagtaka ko nung bigla niyang tignan si Luigi. Tinignan din siya nang makahulugan ng kapatid ko.




Anong meron?




--------------------------------

RITA'S POV

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Paano kung bigla niyang ilayo ang anak ko? Paano kung ilaban niya sa korte ang custody ni Kalvin? Sa sobrang lakas ng koneksyon niya ay malamang na siya ang manalo sa korte kapag nagkataon. Mapupunta sa kaniya ang anak ko.




Tinignan ko si Luigi. Tinignan naman niya ko ng makahulugan.






Bumuntong-hininga ko at kinuha si Kalvin sa likod ko.










"Siya si Kalvin." banggit ko kay Ken.








"Your son?" tanong niya at mababakas ang pangungunot ng noo niya.







"Mommy, siya po yun?" tanong ni Kalvin.





Tinignan ko siya at napansing nakatingala siya sakin. Umupo ako at iniharap siya sakin.







"Yes anak, siya yung tinutukoy ko sayo." banggit ko.







"Bakit dala mo dito ang anak mo?" inis na tanong ni Ken.







"I don't like him mommy. He's scary." banggit ni Kalvin at yumakap sakin.







"Baby boy, hindi bad guy ang daddy mo." banggit ko at tinanggal ang shades niya.






Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Ken nung tignan ko siya.





"Anak ko siya.." aniko kay Ken at bumuntong-hininga. "Anak natin." banggit ko at iniharap si Kalvin sa kaniya.





Nakita ko ang biglang pagkalito sa mukha ni Ken. Tumayo siya at naglakad papalapit kay Kalvin habang nakatingin sa bata.






Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon