CHAPTER 31

440 20 17
                                    

Gaano nga ba kasakit maiwan ng taong pinaka-pinagkakatiwalaan mo?

Gaano kahapdi ang kirot na dulot nang mga masasayang alaalang iniwan niya sayo?

Magagawa mo pa bang mapatawad ang taong patuloy na dumudurog sayo?

At kakayanin mo pa rin bang MAHALIN ang taong sumira ng TIWALA mo?

----------------------------------

5 years later...


KEN'S POV



Pagpasok ko dito sa restaurant ng isang sikat na hotel ay agad akong pumunta sa kinaroroonan ng ka-meeting ko.




Mahalaga tong ka-meeting ko dahil ilang taon na rin nung huli kaming nagkita.




"Ken?" gulat na banggit niya.






Hindi niya inakalang ako ang makakaharap niya dahil ibang tao ang pinasabi kong kakausap sa kaniya.





"Hi, Mr. Iringan." banggit ko at umupo't sumandal.






"Kung alam ko lang na ikaw ang makakausap ko. Hindi na sana ako pumunta dito." seryoso niyang sabi.





Napangisi naman ako. Kita ko ang galit sa mga mata niya, hahahaha.




"Bakit? Bakit parang may galit ka sakin? Hindi ba dapat ako nga ang magalit sayo, dahil sa patuloy mong pagtatago sa anak mo?" galit kong sabi sa kaniya.





"Hinding-hindi mo na talaga makikita ang anak ko, Ken." seryoso niyang sabi. "Hindi ako papayag na mapunta siya sayo." galit din niyang sabi dahilan para magpintig ang tenga ko.








Pero kailangan kong kumalma muna ngayon. Hindi ako dapat magmukhang naiinis sa sinabi niyang yun.





Hinding-hindi ko na makikita si Rita? Tss.. Hahaha. Magkakasubukan kaming dalawa. Hindi pa niya alam kung ano nang kaya kong gawin ngayon.





"Talaga?" natatawa kong sabi at tumingin ng masama sa kaniya. "Tignan natin." nakangisi kong banggit sa kaniya.






"Anong balak mo?" bigla niyang tanong.




Bakas ang takot sa mukha niya, at gusto kong matawa dun. Tama lang yan Mr. Iringan, dapat ka lang matakot sa pwede kong gawin.






"Hintayin mo. Ako mismo ang magpapalabas sa anak mo, sa lunggang kinaroroonan niya ngayon." seryoso kong sabi.








"Anong gagawin mo huh?!" mataas na ang boses na tanong niya. "Huwag na huwag mo nang lalapitan ang anak ko!!"






Ngumisi ako.





"Dapat pala matagal ko na tong ginawa." banggit ko at matalim na tumingin sa kaniya. "Patutunayan ko sayong makukuha ko ang anak mo. Magmamakaawa siya sakin, Mr. Iringan. Mark my word!" may diin kong sabi sa kaniya at umalis na doon.







"KEN CHAN!! KEN CHAN!!!" sigaw niya pero hindi ko na yun pinansin at nagdire-diretso na sa pag-alis doon.






Rita Daniela Iringan, magkukumahog kang bumalik dito kapag nalaman mo ang balitang gugulo ng buhay mo. Ikaw mismo ang luluhod sa harap ko kapag nalaman mo kung ano ang gagawin ko sa daddy mo.






Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon