RITA'S POV
"Alam mo, ugaliin mo yang pagtawa mo. Mas nagiging magaan yung aura mo eh." banggit ko sa kaniya.
Totoo naman kasi talagang mas nagiging maaliwalas ang mukha niya kapag nakangiti o tumatawa siya eh.
"Pero alam mo ba ang magiging impact nung sinabi mo sa mga empleyado ko huh? Hindi na nga nila pagtsi-tsismisan na bakla ako pero pagtsi-tsismisan naman nila tayo." nakangiti niyang sabi.
"At least, mainggit sila sayo na may girlfriend kang maganda noh." proud kong banggit.
"Wow, hahahahaha." tawang-tawa talaga sya sa sinabi ko.
"O bakit, hindi ba?" natatawa ko ring tanong.
"Well... Oo naman. Maganda ka nga." nakangiti niyang tango.
"O di ba? Kaya be proud! Hahahaha." banggit ko.
"So okay lang sayong ma-issue tayong dalawa?" tanong niya.
"Hmm.. Okay lang, totoo namang girlfriend mo ko eh." banggit ko. "Girl friend... Babaeng kaibigan, di ba?" nakangiti kong banggit.
Ngumiti siya at natatawang umiling.
"O hindi ka na umangal, ibig sabihin friends na nga tayo?" tanong ko.
"Oo na. Sobrang kulit mo kasi eh, girl... friend." malawak ang ngiting sabi niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Yiiieehh.. Hahahaha. Lika, coffee tayo. Libre ko." yaya ko sa kaniya.
"O, magkaibigan pa lang tayo, ide-date mo na ko?" biro niya.
"Ay wow Mr. Chan, hahahaha. Medyo lumalakas talaga ng hangin natin, ano po? Hahahaha." banggit ko na ikinatawa din niya. "Bilis na, para naman hindi ka puro trabaho. Nakakatanda yang stress kaya dapat nag-eenjoy ka rin paminsan-minsan." banggit ko at tumayo na't lumapit sa kaniya.
Ang bata-bata pa niya eh kaya dapat nag-eenjoy din siya sa buhay niya.
"O teka lang hahaha. Eto na, eto na hahaha." natatawa niyang sabi nung hilahin ko na siya patayo.
Kinuha niya ang susi ng kotse niya.
"Pero hindi ikaw ang manlilibre huh. Ako ang taya muna ngayon." banggit niya.
"Ako kaya ang nagyaya." banggit ko.
"Next time ka na manlibre. Ako muna, bayad ko na rin sa ginawa mo kanina. You saved my reputation in front of my employees." banggit niya.
Aww... Na-touched naman ako dun kaya ngumiti ako at yumakap sa braso niya.
"O bakit may pa-ganyan?" tanong niya.
Ramdam kong asiwa pa rin siya na may babaeng dumidikit sa kaniya, pero kailangan namin to. Tutulungan ko siyang burahin ang pangit na image na iniisip ng mga employees niya sa kaniya.
"Remember, may relasyon tayo sa harap nila di ba?" nakangiti kong sabi. "Lika na." banggit ko at hinila na siya.
Gulat na gulat yung secretary niya nung makita kaming lumabas.

BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
Storie d'amoreIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...