CHAPTER 43

636 28 8
                                    

RITA'S POV


Nandito ako ngayon sa isang kilalang Restaurant dahil sa natanggap kong tawag mula sa babaeng naging dahilan kung bakit ko nasaktan si Ken.




Agad siyang umupo sa katapat na upuan ko nung makarating siya dito. Ngali-ngali ko siyang saktan nung makita ko siya. Ngayon ko naiintindihan si Ken kung bakit halos mapatay niya ang babaeng to.. Sobrang laki ng kasalanan niya samin. Nagkaroon ng sakit si Ken dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya.. Hindi namin siya nakasama ni Kalvin sa loob ng limang taon.. at sinaktan ko ang kalooban ko dahil sa pang-iiwan kay Ken, para lang sa isang kasinungalingang ginawa niya! Sobrang galing niyang umarte para mapaniwala ako sa lahat ng panloloko niya!!








Gusto ko talaga siyang saktan ngayon. Gusto ko siyang kalbuhin dahil sa mga ginawa niya!!







"Huwag mo naman akong tignan na parang pinapatay mo na ko sa utak mo." natatawa niyang sabi.







Napansin ko ang benda sa braso niya. Malamang na yun ang tinutukoy ni Ken kagabi.







"Ang lakas din talaga ng loob mong tawagan ako pagkatapos ng mga ginawa mo noh?!" galit kong sambit sa kaniya. "Limang taon Carie! Limang taon ang nawala samin dahil sa mga kasinungalingan mo!!" sigaw kong sumbat sa kaniya.






"Hey, huwag ka ngang mag-eskandalo dito.. Nakakahiya.." maarte niyang sabi at tumingin sa mga tao bago muling tumingin sakin. "Hindi kita pinapunta dito para magsumbatan tayo, Rita. Nandito ako para ipakita sayo to." aniya at may kinuha sa bag niya.









Inilapag niya sa table ang isang ultrasound na nakapangalan sa kaniya.








"Buntis ako. At si Ken ang ama nitong bata. Kaya pwede ba, lubayan mo na siya." banggit niya dahilan para hindi ko na mapigilan ang galit ko.







Ang kapal nang mukha niyang sabihin sakin yan!!!





Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at agad siyang sinabunutan. Hinila ko nang matindi ang buhok niya dahil sa sobrang galit ko.








"Ahh!! Ouch!! Ouch!!!" hiyaw niya at sinubukan akong sabunutan din pero hindi ko hinayaang maabot niya ang buhok ko.







Mas hinila ko pa ang buhok niya dahilan para mas lumakas ang hiyaw niya.






"Hayop ka!! Limang taon ang nawala sa mag-ama ko dahil sa kagagawan mo Carie!! Ikaw ang sumira sa pamilya namin!!" galit na galit kong sabi sa kaniya at mas hinila pa ng marahas ang buhok niya bago siya inihagis sa lapag.








Umupo ako at tinignan siya. Agad ko siyang sinampal ng malakas.









"Para yan sa pagsisinungaling mo sakin noon!" banggit ko at sinampal uli yung kabilang pisngi niya. "Para naman yan sa anak kong pinagkaitan mong makasama ang daddy niya ng limang taon!!" sigaw ko at muli siyang sinabunutan at tumayo. "At para naman to sa mga taon na dapat buo ang pamilya ko!!!" galit na galit kong sabi habang patuloy siyang sinasabunutan.









"Ma'am! Ma'am, tama na po.." awat sakin nung mga crew dito at inilayo ako sa kaniya.







Marami nang taong nakapalibot samin at may mga nagvi-video din pero wala akong pakialam sa kanila.









Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon