CHAPTER 11

518 20 3
                                    


KEN'S POV

Pagpasok ko pa lang sa hall na pinagdarausan ng party ay napatingin na ko sa paligid. Mukhang pinaghandaan talaga ng birthday party niyang to. Late na ko kaya marami nang tao dito sa hall.



"Kuya!!" banggit ni Luigi dahilan para tignan din ako nung ibang mga bisita.



Agad lumapit sakin si Luigi at niyakap ako.





"Salamat talaga kuya at pumunta ka." nakangiting banggit niya at humiwalay din agad sa yakap niya.





"Pwede bang pakibigay na lang nito sa kaniya?" tanong ko at iniabot ang regalo ko.




"Kuya, ikaw na lang ang mag-abot oh. Para naman mabati mo rin si mommy. Sige na." request niya.




Napabuntong-hininga ko.



"Okay." banggit ko.


"Tara kuya, nandun si mommy!" banggit niya at hinila na ko papunta sa kinaroroonan ni mommy.




Nagulat siya nung makita niya ko.




"Ken?" aniya at agad akong niyakap pero agad ko rin iyong inalis.





"Kuya." ani Luigi.




"Happy birthday." poker-face kong sabi at iniabot na sa kaniya ang regalo ko.




"Thank you anak. Kumusta ka na? Binatang-binata ka na talaga." masaya niyang sabi at tinignan ang kabuuan ko.


Tumango lang ako.



"Salamat anak huh. Salamat kasi nakapunta ka." naiiyak na niyang sabi. "Salamat dahil-"


"Hindi ako nandito para sayo. Nandito lang ako dahil sa request ng kapatid ko at ni daddy." banggit ko sa kaniya.




Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa siya kayang patawarin sa nagawa niya.



"Anak, hanggang ngayon ba-"



"Pwede ba, huwag mo nga kong matawag-tawag na anak! Hindi na kita tinuring na ina mula nung iwan mo ko!" galit kong sambit sa kaniya dahilan para tignan kami nung mga bisita.


Bigla siyang umiyak sa mga nasambit ko pero wala akong pakialam kung nasaktan ko man siya dahil mas masakit yung ginawa niyang pang-iiwan samin ni daddy noon. Agad siyang inalo ni Luigi at sinubukang patahanin.


"Hey, pinsan.. Chill." banggit ni Rhoniel sakin nung lapitan ako. "Tara, dun na muna tayo." aniya at inialis na ko don.



F*ck! I hate it! Hindi na lang sana ko pumunta dito!



"Pinsan, chill lang huh. Huwag mo namang sirain ang birthday party ni tita." banggit niya.



Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. Kinuha ko yung champagne na dala-dala nung waiter at ininom iyon. Gusto kong mawala tong galit na nararamdaman ko nung makita ang babaeng iyon.




"Pinsan, halika, magpalamig ka muna ng ulo." aniya at dinala ako sa balcony nitong hall. Nagpahangin muna kami dito para mawala ang inis ko.


"Kuya, okay ka lang?" tanong ni Luigi nung makalapit samin. "Pasensya ka na huh. Dapat talaga ako na lang ang nag-abot nung regalo mo." banggit niya.





Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon