RITA'S POV
Dumating ako sa Restaurant na tinukoy ni Lester sa text.
Nang makita niya ko ay agad siyang kumaway sakin kaya pinuntahan ko na rin siya agad.
Bumeso siya sakin at pinaupo na ko sa upuan sa tapat niya.
"Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya at tumawag ng waiter.
Umorder muna kami at kumain habang nagkukwentuhan.
"Ano yung sasabihin mo?" tanong ko nung marami na kaming napagkwentuhan pero ni hindi niya na-open yung sinabi niyang sasabihin niya sakin.
"Ahh.. May gusto lang muna sana akong tanungin sayo." banggit niya.
"Ano yun?" tanong ko.
"Isang beses kasi.. nakita kitang isinama mo si Ken Chan sa libingan ni JP. Anong ginawa niyo dun?" tanong niya.
"Ahh.. kinausap lang niya si JP. Hindi ko naman alam kung anong sinabi niya eh. Bakit?" tanong ko.
"Wala lang. Parang iba kasi yung closeness niyo eh."
"Talagang iba, dahil boyfriend niya ko."
Napatingin kami sa likod ko nung marinig ko ang boses ni Ken. At nakatayo nga siya don.
Binanggit ko sa kaniya kanina na makikipagkita ako ngayon kay Lester dahil may pag-uusapan kami. Hindi ko naman akalaing pupunta siya dito.
Lumapit siya samin at umupo sa tabi ko.
"Boyfriend?" gulat na tanong ni Lester sakin.
"Oo. Bakit may problema ka ba dun?" maangas niyang tanong dahilan para sawayin ko siya.
"Ano ka ba? Bakit ka ganyan makipag-usap sa kaniya?" bulong kong tanong pero seryoso lang siyang nakatingin kay Lester.
"Rita, totoo ba yun? Boyfriend mo siya?" tanong niya.
"Oo." sagot ko.
"E anong sabi nila tita?" medyo OA na tanong niya.
"Matagal na naman nila kong pinayagang mag-move on sa buhay ko eh. Kaya for sure matutuwa din sila kapag nalaman nila to." banggit ko.
"Pero sa akin ka iniwan ni JP! Sakin ka niya inihabi-"
"Inihabilin niya sayo si Rita noon, pero hindi ibig sabihin non ay ibinigay niya siya sayo." seryosong sabi ni Ken dahilan para magpalitan sila ng matatalim na tingin. "Dude, hindi na kailangan ni Rita ang pag-alalay mo, dahil nandito na ko. Kayang-kaya kong alalayan at alagaan ang GIRLFRIEND ko. At huwag kang mag-alala... naipaalam ko na to kay JP. Sakin niya ipinaubaya si Rita... Sakin niya hinayaang mahulog si Rita." banggit niya at hinawakan na ko. "Mauna na kami." dagdag niya at hinila na ko paalis doon.
Dumiretso kami sa kotse niya pagdating sa parking area at mabilis siyang umalis sa lugar na yon.
Tumigil siya sa isang park.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...