RITA'S POV
"Mommy!!!" masayang banggit ni Kalvin nung makita ako.
Agad akong umupo at sinalubong ang yakap ng anak ko.
"O buti naman at nakabalik ka na.. Naku lagi akong kinukulit niyang batang yan kung kelan ka daw uuwi." nakangiting banggit ni yaya.
"Good boy ka ba huh?" tanong ko.
"Opo!" masigla niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi.
Haaay.. Ang sweet talaga nitong anak ko.. parang si Ken noon..
Kamusta na kaya siya? 2 Weeks na ang nakaraan nung hayaan na niya kong umalis. Hindi ako umuwi agad dito dahil kinailangan ko pang pahilumin ang mga pasa ko kaya nagpunta muna ako sa ibang lugar para magpagaling at mag-isip-isip.
Napagdesisyunan kong sabihin na rin kay Ken ang tungkol kay Kalvin... pero hindi na muna ngayon.. Hihintayin ko na lang na magkaisip na ang anak ko at maintindihan ang lahat bago ko siya ipakilala sa totoong daddy niya.
Sa ngayon, susulitin ko muna na ako lang ang kasa-kasama ng anak ko.. kami lang munang dalawa.
"Gusto mong mamasyal tayo?" nakangiti kong tanong sa anak ko.
"Sige mommy!" masaya niyang sabi.
"O sige na, mag-ayos ka na ng sarili, mamamasyal tayo." banggit ko dahilan para tumakbo agad siya at papunta sa hagdan.
"Sobrang namiss ka nang batang yun." banggit ni yaya.
"Sobrang namiss ko rin siya, yaya." aniko at pinagmasdan ang anak kong umaakyat sa hagdan.
--------------------------------------
"Mommy, alam mo po nagpunta din kami ni papa sa Zoo. Ang daming animals dun, mommy." masayang kwento ni Kalvin habang kumakain ng cake na inorder ko sa kaniya.
Haaay.. Malaking tulong talaga si Lester sa anak ko.
Nandito kami sa isang cafe ngayon at nagme-merienda.
"Tapos bumili po kami uli ng toys, mommy." banggit niya.
"O, di ba sabi ko sayo huwag ka ng magpapabili ng toys sa papa Lester mo? Nakakahiya na sa kaniya." banggit ko.
"But he insisted mommy. Sabi niya gift niya daw talaga sakin yun." banggit niya kaya ngumiti na lang ako.
Mananalo ba naman ako dito sa anak ko? Haha..
"Ya, pakibantayan muna siya huh. CR lang ako." banggit ko at pumunta na sa kinaroroonan ng cr.
Pagbalik ko galing cr ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kasama nila Kalvin sa mesa si... Luigi.
Bakit niya kausap ang anak ko? Magkakilala ba sila???
Hindi. Hindi ako pwedeng makita ni Luigi.. Hindi niya alam ang itsura ng anak ko dahil sa suot niyang shades pero baka maghinala siya kapag nalaman niyang anak ko si Kalvin.
Paalis na sana ko nung bigla kong marinig ang tawag ng anak ko.
"Mommy!!" banggit niya dahilan para tignan ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/218623891-288-k511117.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...