EPILOGUE (KEN'S POV)

734 36 13
                                    

Sabi nila... Ang lahat ng simula ay may katapusan..






At sa bawat pagsasara ng isang yugto sa buhay ng tao.. ay may pintong muling magbubukas para sa kaniya..







Natapos na ang yugto sa buhay namin na puro pasakit ang naranasan.. Bubuksan namin ngayon ang bagong simula na sisimulan namin nang magkasama.









Napangiti ako nung makita ko na siya sa dulo nitong simbahan. Napakaganda niya talaga. Sa wakas! Ilang minuto na lang din ay matutupad na ang pangarap ko... ang maging katuwang niya sa buhay at maging sandalan sa anumang problema.






Noon, masaya na ko kahit mag-isa lang ako.. Wala akong pakialam kung walang pumapansin sakin... Wala rin akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko.. kung anong iisipin o sasabihin nila behind my back.






Pero nung dumating siya?...





Doon ko naramdaman na ayoko na ulit maging mag-isa.. na ayoko na ulit maiwan.. at nagkaroon ako ng buhay.. Parang biglang nagkaroon ng saysay ang buhay ko.. At biglang gumanda ang tingin ko sa mundo.







Sino ba namang mag-aakala na mangyayari sa buhay ko to, di ba? Isang lalaking punung-puno ng galit noon sa kahit na sinong babae haha.. Sinong mag-aakala na makakatuluyan ko tong babaeng sobrang kulit at mapang-asar noon sa unang pagkikita pa lang namin??






Hindi ko na mapigil ang iyak ko habang nakikita ko na siyang papalapit sakin. Siya ang pinakamaganda, pinakamasakit, at pinaka worth it mahalin na nangyari sa buhay ko.. Hindi ko na nakikita ang kinabukasan ko nang hindi siya kasama..





Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko nang magkatapat kaming dalawa. Yumukod ako para mayakap at magpasalamat sa daddy niya... na daddy ko na rin mamaya, haha.




Huminga muna ako bago muling tumayo at kinuha na ang kamay ni Rita. Sabay kaming naglakad papunta sa altar, at pinapangako ko sa kaniya.. na kahit kailan.. kahit anong mangyari.. hinding-hindi ako mawawala sa tabi niya.





----------------------------------

Few months later...

Napatayo ako agad sa kinauupuan ko nang bigla kong marinig ang iyak ng bunso ko.







"Anak, wait lang huh.. Kukunin lang ni daddy si baby Kendra.." banggit ko sa panganay kong lalaki na pinapakain ko.





Tumango naman siya kaya pumunta na ko sa crib ni baby Kendra para buhatin siya.





"O bakit umiiyak ang bunso ko huh? Anong problema ng baby girl ni daddy, huh?" alo ko sa anak ko at hinele-hele siya pero umiiyak pa rin siya.



Tinry ko siyang padedehen pero ayaw niya kaya sinilip ko ang diaper niya.. at yun pala ang salarin, haha.



Agad akong kumuha ng mga gamit para mapalitan ang diaper niya.






Iyak pa rin siya ng iyak kaya medyo natataranta din ako.



Nasaan si Rita??.. Nasa Supermarket siya at naggo-grocery.. Kasama niya si yaya, at pinag day-off niya ang mga kasambahay namin para maiwan sakin tong mga bata.. Ang lupit talaga magalit nung misis kong yun oh..








Kagabi kasi... nakalimutan kong may usapan nga pala kami na uuwi ako ng maaga dahil aasikasuhin namin ang bakasyon ng pamilya namin sa Australia.. 1st time naming babyahe kasama ang mga bata kaya gusto niya ay planado ng maayos ang lahat para mag-enjoy si Kalvin sa bakasyon na yun..







Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon