LUIGI'S POV
Busy ako sa pagtitingin nang mga laruan dito sa isang store sa mall nung mapukaw nang isang bata ang atensyon ko.
Nagtataka ko kung bakit kahit hanggang dito sa mall ay naka cap at shades siya. Ang weird, pero ang cute hahaha.
Kasama niya ang yaya niya.
"Yaya, maraming beses na ko nag-sleep pero wala pa rin si mommy. Kailan po ba siya uuwi?" tanong niya sa yaya niya.
Ang cute kahit ng pagsasalita niya. Mukhang galing siya sa ibang bansa dahil may accent rin ang pagsasalita niya ng tagalog..
"Naku Kalvin, 2 weeks pa lang wala ang mommy mo.." banggit nung yaya niya.
"2 weeks?" inosenteng tanong nung bata.
"Ay basta.. maraming sleep pa uli baby boy huh." nakangiting banggit nung yaya niya. "O teka, dito ka muna huh." banggit niya at pinaupo yung bata sa upuan. "Huwag kang aalis diyan. Babalikan ka agad ni yaya. Pupunta lang akong cr. Be a good boy huh?" nakangiting bilin niya.
"Okay po yaya." banggit nung bata.
Umalis na yung yaya niya kaya naiwan siyang nakaupo doon habang nilalaro ang mga paa niya.
Nakarinig siya ng busina ng kotse sa dulo ng store kaya bigla siyang bumaba sa upuan niya.
"May car!!" banggit niya at biglang tumakbo doon.
Bigla naman akong nangamba na mawala siya kaya agad ko siyang sinundan.
"Wow!!" manghang banggit niya nung makita yung isang malaking ride-on toy car.
"Gusto mong itry sumakay dyan?" tanong ko nung lumapit ako sa kaniya.
Tumingin siya sakin pero hindi ko naman makita ng ayos ang mukha niya dahil sa shades niya.
"Gusto mong sumakay dun?" nakangiti kong tanong uli.
"Sorry, but mommy told me not to talk to strangers po eh." banggit niya na mas ikinangiti ko.
Nakakatuwa talaga tong batang to. Ang gaan sa pakiramdam na makausap siya. Umupo ako para hindi siya nakatingala.
"Yeah. That's right. By the way, I'm kuya Luigi, and you are?" tanong ko at inilahad ang kamay ko sa kaniya.
Nagulat ako nung makita siya nang tanggalin niya ang salamin niya.
Kuya?
Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ko.
"I'm Kalvin.. Kalvin Rainn Ir-"
"Kalvin!!!" banggit ng yaya niya kaya napatingin kami sa kaniya.
Mabilis siyang nakalapit samin.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...