CHAPTER 41

711 28 8
                                    

KEN'S POV

Napatingin ako sa pinto ng office ko nung magbukas iyon.

"Babe!! I'm back!!" nakangiting banggit niya at lumapit sakin. "Siguro namiss mo ko kaya pinasundo mo na ko uli noh? Dapat kasi sumunod ka na sak-"

Sa sobrang galit ko sa kaniya ay nasakal ko siya.

"Hayop ka Carie!!" galit kong sigaw sa kaniya. "Wala kang kasing sama!!" galit kong sabi at inihagis siya dahilan para mapahiga siya sa sahig.

"Babe, a-ano bang-"

Agad ko siyang nilapitan at sinampal siya ng malakas.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Rita noon! Gumawa ka ng kwento para mapapayag siyang iwan ako noon!!" galit kong sabi at sinakal siya uli.

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit ko sa kaniya.

"K-Ken.. hindi ako maka-" hirap niyang sabi habang sakal-sakal ko siya.. pero wala akong pakialam dahil gusto ko talaga siyang patayin ngayon.

"Limang taon Carie!! Limang taon akong naghirap dahil sa ginawa mo!!!" galit na galit kong sabi at inihampas ang ulo niya sa sahig.

"Sir.. Sir!!" awat ni Reyson sakin at inilayo ako kay Carie na umuubo na ngayon dahil sa ginawa ko.

"Hayop ka Carie!! Pagdurusahan mo tong ginawa mo!!" sigaw ko.

Umupo siya nung makabawi siya sa pananakal ko.

"Ken.. Hindi ko alam ang sinasabi mo." hirap sa pagsasalita niyang sabi dahilan para itayo ko siya at ihagis nang marahas dahilan para tumama siya sa isa sa table dito sa office ko.

"Huwag mo nang balaking magsinungaling sakin dahil sinabi na sakin ni Rita ang totoo!!" galit kong sigaw sa kaniya at hinawakan siya sa kwelyo niya. "HINDI KA NA NAKUNTENTONG GINAGO MO KO!! PATI YUNG BABAENG MAHAL KO.. PINAIKOT MO PARA MASAKTAN AKO!!!" at sinampal siya.

Gigil na gigil talaga ko sa kaniya.

Tumingin siya sakin at biglang tumawa dahilan para kunin ko ang vase sa table na yun at ipupukpok sana sa kaniya pero pinigilan ako ni Reyson.

"Sir, baka mapatay niyo po siya." banggit niya at inilayo ako uli kay Carie.


"Hindi ko akalaing napakabobo niyang ipinalit mo sakin Ken. Ang dali ko lang siyang nauto kaya agad-agad ka niyang iniwan noon." maarteng banggit niya dahilan para susugurin ko sana siya uli pero pinigilan na ko ni Reyson.

"Ako na pong bahala sir." banggit ni Reyson. "Hindi niyo po dapat dungisan ang kamay niyo sa isang tulad niya."

"Balita ko.. May anak kayo ni Rita huh." aniya dahilan para magpantig ang tenga ko.

Binasag ko ang vase na yun at itinutok sa leeg niya ang matulis na piraso nun.

"Subukan mong galawin ang mag-ina ko Carie... mapapatay talaga kita!!" galit kong banggit at sinaksak ang braso niya.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil ngayon niya lang nakita ang demonyo sa loob ko.

Tinutok ko ang matalas na pirasong yun sa leeg niya.

"Huwag mong subukang sagarin ang pasensya ko Carie, dahil ubos na ubos na ang pagtitimpi ko sayo!! Hayop ka! Idadamay ko ang buong angkan mo sa ginawa mo sa mag-ina ko!! Tignan natin kung saan ka pupulutin sa kahayupang ginawa mo!" banggit ko at muli siyang inihagis sa lapag. "Alisin mo na siya sa harap ko Reyson!!" utos ko na agad namang sinunod ni Reyson.

Pumikit ako at kinuyom ang mga kamao ko. Hindi ko mapigilan ang galit sa loob ko dahil sa babaeng yun.

Agad akong pumunta sa table ko at kinuha doon ang gamot ko. Uminom ako uli non para kumalma ako.

Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon