CHAPTER 14

549 27 6
                                        

KEN'S POV

Nagulat ako nung tumawag sakin si daddy at sinabing pinapunta niya doon si Rita.





Bigla akong kinabahan kaya agad kong kinuha ang susi ko at sinabi kay Charm na i-cancel muna ang meeting ko ngayon.





Nagmadali akong umuwi. Anong balak ni daddy at pinapunta niya dun si Rita?



Napatakbo ako papasok sa loob ng bahay namin nung makarating ako doon.





Nakita ko siya. Kasama niya sila daddy, Luigi at... mommy.








Agad ko siyang nilapitan at hinawakan na siya para maialis siya doon.





"Ken..." aniya at pinigilan ako. "Kusa akong pumayag na pumunta dito. Maupo ka muna. Nakapag-usap na tayo kagabi tungkol dito di ba?" aniya.



"Rita, ikaw talaga ang ginagamit nila ngayon para mapapunta ko dito?" inis kong tanong at tinignan si daddy. "Dad, alam mong pupunta ko dito dahil sa sinabi mo sa call di ba? Ginagamit mo ba si Rita para galitin ako huh?" inis kong tanong sa kaniya.








"Ken, huwag ka namang ganyan." aniya. "Kumalma ka naman muna."






Tinignan ko siya.






"Bakit ka pumayag na pumunta dito?" tanong ko.





"Dahil gusto ko rin na magkausap na kayo ng mommy mo." banggit niya. "Makinig ka naman muna sa kaniya, please." aniya at hinila ang braso ko.





Bumuntong-hininga ko at umupo sa tabi niya katapat ng upuan nila mommy.





"Itanong mo na lahat ng mga gusto mong itanong sa kaniya huh. Doon lang kami nila tito sa labas." banggit niya dahilan para tignan ko siya.





"Iiwan niyo ko mag-isa kasama siya?" inis kong tanong.





"Ken, ano ba?! Mag-aaway ba tayo dahil dito?!" inis niyang tanong dahilan para bigla naman akong matahimik. "Ken, para sa ikatatahimik mo din to. Nandun lang kami sa labas. After makapagpaliwanag ng mommy mo, kung gusto mong umalis.. aalis na tayo. Pakinggan mo lang ang paliwanag niya." mahinahon na niyang sabi.






Napabuntong-hininga ko.








"Aalis tayo after nito, okay?" aniko sa kaniya.







Tumango naman siya.






"Please, huwag mong pairalin ang galit mo ngayon, huh. Buksan mo ang isip mo para sa mommy mo, hmm?" aniya at hinawakan ang kamay ko. "Kaya mo yan."





Ngumiti ako at hinalikan ang kamay niya.




Tumayo na sila nila daddy at pumunta sa garden.




"Anak." ani mommy.






Napapikit agad ako dahil feeling ko ay mabubuhay na naman ang galit sa puso ko.






Tinignan ko siya pagkatapos nun. Pakikinggan ko lang lahat ng sasabihin niya. Aalamin ko lang lahat ng rason niya sa pag-iwan samin noon, tapos.. pwede na kong umalis. Pwede na kaming umalis.







"Ipaliwanag mo sakin ngayon kung bakit... Bakit mo nagawa samin yun?" tanong ko.






"Anak, hindi ko alam kung paano ko to sisimulan pero hindi ko ginustong iwan ka. Hindi ko ginustong lumaki kang wala ako sa tabi mo." banggit niya na nagsisimula nang maiyak.






Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon