KEN'S POV
Haaaaaay... Sobrang saya ko sa trip namin ni Rita kanina. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon dahil first time na siya ang magyaya ng lakad namin.
Para kong baliw na nag-iimagine habang hawak ko ang maliit na kahitang naglalaman ng pwede kong maging future sa kaniya, nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.
May nag-email sakin.
Nagulat ako sa message na nandoon. May picture ng room number sa ************ Hotel at sinasabi don na doon nakatigil si Rita ngayon.
May picture din ng palne ticket na papuntang Singapore at ang sabi doon ay aalis daw si Rita ngayong gabi. Aalis siya for good.
Tinanong ko sino ang nag-email na yun pero hindi na siya nagreply.
Tinignan ko nang maigi ang mga pictures na nadon, at hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumundol ang malakas na kaba sa puso ko.
Hindi.. Hindi ako iiwan ni Rita. Hinding-hindi niya ko iiwan.
Namumuo na ang luha ko nung bigla kong maalala lahat ng nangyari kanina. Kaya ba siya ganun kumilos kanina? Kaya ba naging emotional siya, at madalas niya kong titigan kanina?
Agad na kong tumayo sa kama ko at kinuha ang kahitang hawak ko kanina.
Kailangan kong makasiguro. Lagot sakin ang nagpasa ng mga pictures na to kapag hindi to totoo!
-------------------------------
RITA'S POV
Pinapatuyo ko ang buhok ko nung biglang akong magulat dahil may nag-doorbell.
Walang may alam na nandito ko ngayon sa hotel kaya sino yun? Sino ang pupunta ngayon dito??
Pumunta ko dun at nabigla nung makita ko si Ken doon.
"Ken?" gulat na gulat kong tanong.
Napatingin siya sa luggage ko na nasa tabi ng kama.
"So totoo nga.. Aalis ka?" seryosong tanong niya at pumasok sa hotel room ko't inilock iyon.
Bigla akong kinabahan dahil nandito siya at sobrang seryoso ng mukha niya.
"Saan ka pupunta, Rita? Saan ka pupunta?!" galit niyang sigaw sakin.
"Sino ang nagsabi sayong nandito ko?" tanong ko habang umaatras.
"Mahalaga pa ba yun? Ang gusto kong malaman.. kung bakit ka aalis? Bakit hindi mo sinabi sakin na aalis ka?!" galit niyang sabi. "Anong gagawin mo sa Singapore, Rita. Anong gagawin mo don?!"
Kinakabahan talaga ko ngayon sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Paano ko sasabihin na hindi ko naman ginusto tong gagawin ko?
"Ta..." malumanay na niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya. Namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. "Ta, iiwan mo rin ba ko katulad nila? Bakit, Ta? Bakit?" lumuluha na niyang sabi dahilan para lapitan ko siya at yakapin.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomansaIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...