KEN'S POV
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ko o talagang si Rita ang nakikita ko dito sa isang sikat na Restaurant sa Makati. May kasama siyang lalaki at masaya silang nagku-kwentuhan.
So, may boyfriend pala siya.
"Ken, okay ka lang?" tanong ni tito kaya napabalik ako ng tingin sa kaniya.
"O-opo tito. Okay lang po." banggit ko at ininom ang kape ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapatingin uli sa gawi nila. Mukhang masayang-masaya silang dalawa dahil hindi matigil sa kakatawa si Rita.
Hindi ko makita ang mukha nung lalaki pero si Rita, kitang-kita ko siya.
Napangiti ako nung mukhang nagku-kwento na siya. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya pero kitang-kita ko ang facial expressions niya habang kinakausap yung lalaki. Natawa ko nung biglang lumaki ang mata niya at biglang tumawa. Singkit din siya kaya nawawala ang mga mata niya kapag tumatawa siya.
"Ken... Ken.." banggit ni tito dahilan para mapatingin ako sa kaniya uli.
Sh*t, kausap ko nga pala si tito.
"Sino ba yung kanina mo pa tinitignan?" tanong niya at tumingin sa likod niya.
"Ahh... Wala po yon tito." banggit ko. "Ano nga po ba uli ang pinag-uusapan natin?" tanong ko.
"Yung tungkol dun sa project na pino-propose ko sayo. Yung lupa dun sa Bulacan." banggit niya at binanggit na ang proposal niya.
Ilang minuto na naming pinag-uusapan ang project nung mapansin kong tumayo na yung lalaking kasama ni Rita at mukhang paalis na siya.
"Ahh tito, papupuntahin ko na lang po sa inyo si Mr. Geronimo para sa project. Nakalimutan ko kasing may meeting pa nga pala ako ngayon." banggit ko at tumingin kunwari sa relo ko.
"Napaka-busy mo talaga iho, haha. O, siya sige. Mauna ka na." banggit niya.
"Ah, kayo na po ang mauna tito, dito ko na lang din papupuntahin yung ka-meeting ko." banggit ko.
"Ganun ba. Sige, mauuna na ko sayo huh. Ingat ka mamaya." banggit niya at tumayo na.
"Sige po, ingat ka po, tito." banggit ko at tumayo na rin.
Napatingin ako kay Tata.. Wala na yung kasama niya. Nanlaki ang mata niya habang umiinom siya ng juice nung makita ako. Hahaha.. Ang cute niya sa expression niyang yun.
Tinapik ni tito ang balikat ko at umalis na.
Kumaway siya kaya agad ko siyang pinuntahan.
"Uy! Nandito ka rin!" nakangiti niyang sabi. "Kanina ka pa doon?"
"Oo, kasama ko yung tito ko kanina." banggit ko.
Tumango siya.
"Lika, upo ka muna! Kwentuhan muna tayo." yaya niya. "Ay, baka pala may ka-meeting ka pa." nakangiti niyang sabi.
"Wala na. Ikaw, baka may hinihintay ka?" tanong ko at umupo na rin sa katapat niyang upuan.
"Wala na rin. Kaaalis lang nung friend ko. May pupuntahan din sana ako kaso tinatamad pa kong umalis. Masyado pa kasing maaga eh, kaya nagstay muna ako dito. Buti na lang nakita kita." nakangiti niyang sabi. "Teka, okay lang ba? Baka busy ka." aniya.
BINABASA MO ANG
Hey, Trust Me (Ritken Fanfiction)
RomanceIlang beses pa ba tayong kailangang masaktan bago natin mahanap si THE ONE? Ilang beses pa tayong kailangang magtiwala bago tuluyang maging maligaya? Ilang pangako pa ba ang mapapako bago tayo matuto? At ilang pasakit pa ba ang kailangang maranasan...