Present Day
Naririnig ko na ang ingay sa loob ng bahay pero ayaw ko pa bumangon. Para ngang may pumasok na dito sa kwarto para gisingin ako pero hindi ko pinansin. Si Auntie Baby yata.
"Mimi, gising na! Tanghali na."
Napamulat ako dahil bumungad ang liwanag nang binuksan ni Auntie Baby ang mga kurtina. Itinakip ko ang unan sa mukha ko, "Maya na po Auntie. Matutulog pa ako."
Pumalatak si Auntie at lumubog ang higaan ko sa pagkakaupo niya. Pinalo niya nang marahan ang hita ko, "Gising na, Mimi. Ala una na hindi ka pa nanananghalian."
Ala una na pala, grabe talaga ang jetlag ko.
"Auntie, hayaan niyo na muna matulog 'yan, magsusungit 'yan maghapon kapag hindi nakumpleto ang tulog niya." Boses ni Kuya.
Inangat ko ang unan at pinanlisikan siya ng mata.
Ngumiti lang si Kuya na nakasandal sa hamba ng pinto habang may hawak na mug.
And there's my wake up call, kape.
Itinaas ni Kuya ang mug niya, "Walang sinabi sa mga kape sa New York, Mi."
Humigop siya at nag-"ah" na parang pang Coke commercial, "Sarap."
Umirap lang ako pero bumangon na, hinaplos ni Auntie Baby ang buhok ko, "Ayan lang pala ang makakapagpagising sa 'yo Mimi ha."
Ngumiti ako habang kinukusot ang mata ko. Kuya knows me so well.
"Bangon na, Mi. May mga gagawin pa tayo today." Ani Kuya.
Kumunot ang noo ko, "Anong gagawin?"
Paalis na siya nang sinabi niyang, "Basta. Bumangon ka na tsaka magbihis ka na rin, aalis tayo."
Ngumuso ako, "Sige po Auntie, maliligo lang po ako, bababa na rin po ako."
Tumayo si Auntie, "Sige. Ipaghahain na kita at ikaw na lang ang hindi pa nakakakain dito."
Nang makaalis na si Auntie naligo ako at nagbihis. I'm wearing a cropped, sleeveless denim top tsaka blue shorts, nag-sneakers lang ako para rin kumportable kung saan man kami mapunta ni Kuya. Ipinuyod ko na rin ang buhok ko at nag-sling bag.
Bumaba ako at siyempre punong puno ang salas sa mga magugulo kong Auntie and Uncles ang mga pinsan ko raw bago mag-birthday si Lola tsaka darating. May mga pinsan kasi ako na nasa ibang bansa na rin, pero magsisiuwi sila para sa birthday ni Lola.
"Uy, gising na si bunso. Hi Mimi. Good afternoon!" biro ng Tito Jaime.
Ngumiti lang ako, "Good afternoon po."
"Mamaya niyo na asarin si Mimi, pakainin niyo muna." Sabi ni Auntie Baby.
Pagpunta ko sa dining area nandoon si Kuya at nagce-cellphone. Walang Ollie.
"Bilisan mo kumain, aalis tayo." Sabi niya without looking away from his phone.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin at ibinulsa ang phone niya, "Sa restaurants ni Lola, ikutan daw natin sabi niya."
Kumunot ang noo ko habang sumasandok ng kanin, "Anong gagawin natin doon?"
Ipinatong ni Kuya ang mga siko niya sa lamesa, "Naitawag na daw niya sa Managers doon na pupunta ang mga apo niya para mag-check sa restaurant kaya bilisan mo na, isa lang ang mapupuntahan natin ngayon kasi tanghali ka na gumising."
Ngumuso ako at nagsimulang kumain.
***
"Mimi, baunin niyo yung cupcakes na ginawa mo." Habol kami ni Auntie Baby nang pasakay na kami sa kotse ni Kuya. Nakalagay sa kahon ang cupcakes at nakita ko'ng may frosting na ito sa ibabaw.
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...