Six Years Ago
Nagpatawag ng taxi si Ollie para makauwi na kami. Ipinagpaalam niya na rin ako sa adviser namin, may mga batchmates kasi ako na nag-check in na lang sa hotel para hindi na sila umuwi.
Medyo tumaas pa ang kilay ng adviser sa kanya dahil siyempre iuuwi ako ng isang mas nakatatanda without my parents around, so tinawagan muna ni Ollie sila Mommy para ipakausap sa adviser ko.
Ollie and I wait for the taxi outside, medyo malamig so I shiver.
Agad naman ibinalot sa akin ni Ollie ang suit jacket niya, "Here."
Ngumiti lang ako sa kanya.
Parang bigla akong nahiya, para ring hindi ko na gustong isauli ito sa kanya. It smells like him.
Dumating na ang taxi namin and inalalayan ako ni Ollie papasok.
Inihatid kami kanina papunta dito sa venue nila Mommy and Daddy so hindi masyado ako nahiya kay Ollie kahit nasa kotse kami, pero ngayon it's just us in a dark car. Bigla akong na-concious.
Is this a date?
I mean, pagdating ba sa bahay iki-kiss ako ni Ollie?
OMG.
My cheeks start to burn.
"Did you have fun?"
Napalingon ako nang magsalita si Ollie. He's looking at me pero dahil madilim I can only see his eyes and the shadows on his face.
Nang hindi ako agad nakasagot he says, "Grabe, nag-iisip ka ba ng isasagot sa akin? You mean you're not sure? And here I thought I did such a good job being your date tonight."
Ngumiwi ako dahil hindi ko alam kung paano sumagot doon.
So, date nga 'to?
Nagsalubong ang kilay niya, "Seriously Mi, did you have fun tonight?"
I snort, "Syempre naman no. Binibiro lang kita, naniwala ka naman."
Buti na lang hindi ako masyado kita dito sa dilim kasi feeling ko hanggang tenga na yung pamumula ko.
I feel Ollie's hand on my shoulder, "Okay ka lang Mi? Sumandal ka kaya."
Noon ko lang na-realize that I'm sitting ramdod straight.
Tumawa lang ako at sumandal, "Siguro sa pagod lang 'to. Hindi kasi ako sanay mag-heels."
We're shoulder to shoulder and I see him smile, "Bagay nga sa 'yo e."
I scoff, "Sus. Hirap na hirap nga ako maglakad, tsaka lalo akong nagmukhang poste."
"Hindi ah. You should be proud of your height, 'yong ibang tao gusto maging matangkad, ikaw naman ikinahihiya mo."
I pout, "Ang weird kaya maging matangkad, maraming boys sa batch namin mas maliit pa sa akin. Buti nga matangkad kayong dalawa ni Kuya, hindi ako masyado naiilang."
He bumps his shoulder on mine, "Kaya dapat kapag magkaka-boyfriend ka 'yong mga kasing tangkad ko, para bagay kayo."
Ngumiwi lang ako but I really wanted to say na sana nga ikaw na lang.
I yawn and I quickly cover my mouth, "Hala. Napagod yata talaga ako."
Dahil mas matangkad sa akin si Ollie, halos kapantay ng leeg ko ang balikat niya. He puts his hand on my temple at iginiya palapit sa balikat niya.
"Magpahinga ka muna, Mi. Medyo malayo pa tayo sa bahay niyo."
Ayaw ko sana sumandal kasi baka rin makatulog ako, gusto ko pa siyang kausap.
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...