Ten Years Ago
"Ano ba naman 'to, bakit nadadagdagan pa? Wala na nga akong ginagawa eh." Nakabusangot ako habang tinitingnan ang bago kong pimple sa mukha.
Itong summer vacation ang pinakamalala kong outbreak sa pimples, parang hindi na ako makabawi sa kahihiyan. Last year para akong kabuteng tumubo na lang, nagkaroon na rin kasi ako ng menstruation ko, sabi ni Mommy normal lang daw 'yon at lahi daw talaga namin ang matatangkad. Eh bakit parang sa classmates ko ako lang ang kita ang ulo kapag flag ceremony? Asar naman kasi.
Tinititigan ko ang pimples ko sa mukha at sinitsitan ako ni Kuya, "Huy. 'Wag mong galawin 'yan magsusugat."
Napalingon ako sa kuya kong walang bahid ng maski butlig sa mukha. Itinuro ko ang mukha ni Kuya, "Bakit ikaw ganyan tapos ako ganito? Hindi ka manlang nagka-pimples dati."
Nilagay niya ang mga kamay niya sa batok niya at humiga sa sofa, "Ewan ko. Wala naman ako ginagawa, ganito lang siguro talaga."
Pumalatak ako at tinitigan ang itsura ko sa salamin, "Paano ako papasok sa school bukas? Nakakahiya itsura ko."
"Ano ba, Mimi? I'm sure marami ka rin classmates na nagkaganyan, normal naman sa teenagers 'yan." Sabi ni Kuya.
Mali si Kuya.
Pagpasok ko kinabukasan yung mga students tinitingnan ako, sakto pa pinalagyan ako ng braces ni Mommy. Eh 'di lalo akong nagmukhang nerd.
Bwisit talaga.
"Oh my God!"
Napapikit ako dahil yung boses na galing sa likod ko kilalang kilala ko na, minsan kahit natutulog ako naririnig ko pa ang boses niyang parang pinagkakaskas na yero.
Hindi ako humarap at binilisan ang lakad ko, pero mabilis siya kahit maigsi ang legs. Hinatak niya ako sa braso at iniharap sa kanya.
She put her hand on her mouth, "Oh my God, Mia! Anong nangyari sa 'yo?"
She flipped my hair away from my face. Sinadya ko'ng maglugay ng buhok para hindi mahalata pero talagang hinawi pa niya. Nagdatingan na ang mga tropa niya at pinalibutan na ako. Para lang mga pimples ko sa mukha ang sarap pagtitirisin.
Nagkunwari siyang naaawa sa akin pero nakangiti naman, "Aww. Kawawa ka naman, Mia. Ako nga nagkaroon rin ng pimple last week..."
May tinuturo siyang mukhang butlig lang sa noo niya, "Ito oh. Grabe, nag-panic talaga ako nung makita ko siya."
Sumasabit kasi yung braces ko so binasa ko ng dila ko yung labi ko at napansin niya ang braces.
She laughs at lahat ng mga plastic niyang kabarkada nagsitawanan rin, ano 'to game ng "Simon says" I mean "Steph says"?
"Talagang ngayon ka pa nagpa-braces ha, kapre?" she sneers.
Ayan, ganyan ang normal niyang interaction sa akin, para siyang nababaliw na hindi maintindihan. Sweet-sweetan tapos sobrang harsh in a matter of seconds. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko dito sa babaeng 'to kung bakit ganito siya sa akin.
Kaya wala rin akong friends kasi wala namang mag-tangkang kaibiganin ako dahil pag-iinitan rin nito ni Steph.
Nagtatawanan pa sila ng mga friends niya nang biglang may dumikit sa akin sa bandang kanan, "Mi. What's this?"
Napapikit na naman ako. Si Ollie.
Kakabalik niya lang galing sa bakasyon, hindi pa niya nakikita ang itsura ko. Mas maigi pa sigurong lamunin na lang ako ng lupa at i-decompose ng mga uod.
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...