Present Day
"Your Kuya hates my guts." Chase says.
Nginitian ko lang siya, "Kuya's very protective of me kaya gano'n siya but he's a good guy. He's my bestfriend."
We're lounging sa ilalim ng puno sa beach, naglatag doon ng sapin si Chase at nagbitbit naman ako ng librong mababasa. Ang mga batchmates namin busy sa volleyball. Hindi pinasali si Chase kahit marunong siya, lugi daw agad yung kalaban. Kahit na matangkad ako hindi ako marunong sa kahit anong sport, I tried volleyball once namaga ang arms ko at nagpasa. Kahit na sabi nilang normal lang daw 'yon 'pag first time pero hindi na ako umulit, ang sakit kaya.
"And Oliver? What's his deal?" Humarap sa akin si Chase.
Kumunot ang noo ko, "What do you mean? He's Kuya's bestfriend and my childhood friend rin."
He rests his elbows sa knees niya at ngumiti siya, "When is your birthday?"
Isinara ko ang libro kong binabasa and I give him my full attention, "Why?"
His grin grows wider, "Reregaluhan kita ng salamin, yung malaking malaki para makikita mo itsura mo. So, you can see yourself and see how beautiful you are."
Bago pa ako makapagsalita may tumikhim sa likuran ko, "Hindi ba mainit diyan, Mi?"
I looked up and squinted at a shirtless Ollie na nakatingin sa akin. I might have looked a tad long dahil may mabagal siyang ngumiti. Umismid ako at ibinalik ang tingin sa dagat.
Nasa beach naman kami so it's natural to wear swimsuits and to be shirtless, pero bakit parang pinagpapawisan ako dito kay Ollie?
Parang hindi siya nakaramdam ng pagkailang dahil bigla siyang naglatag ng beach towel sa tabi ko sa bandang kaliwa at nahiga in all his shirtless glory. He puts his hands under his nape at pumikit.
Kapag tumingin ako sa kaliwa nakatambad ang katawan ni Ollie, kapag sa kanan naman ang gwapong mukha ni Chase. Chase is looking at Ollie with a confused look on his face, probably thinking what the heck he's doing here with us. Eavesdropping maybe?
Tumikhim ako at ibinaling ko ang tingin kay Ollie, sa mukha na lang ako tumingin para hindi ako ma-distract. Hinampas ko siya sa hita, "Hoy. Bakit diyan ka natutulog, baka ma-heatstroke ka diyan. Doon ka na lang sa room magpahinga."
Nakapikit pa rin siya nang sumagot, "Ayoko ro'n mas masarap dito sa beach."
Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa dagat and I see a bikini clad Steph running towards us, she's wearing a white bikini with skimpy white shorts.
"Hey guys!"
I'm assuming 'guys' lang talaga ang kausap niya, kung gaano niya ako kapansin no'ng high school ganoon rin niya ako ini-ignore ngayon.
Lumingon si Chase sa kanya, "Yes?"
Steph puts her sunglasses up her head, "Kulang kami ng players, pagod na sila eh. Can you guys play?"
Ngumisi si Chase, "Akala ko ba bawal akong maglaro?"
Namaywang si Steph, "Kulang na nga kami sa players, kaya sumali ka na. You're on my team."
Ibinaling ni Steph ang tingin niya kay Ollie, "Ollie, sali ka rin. Kulang pa yung kabilang team."
Bumangon si Ollie and looks at Chase, "Lalaro ka?"
Kumunot ang noo ko habang salitang tinitingnan silang dalawa. Walang sagot si Chase but he stands up and takes his shirt off. Tumayo na rin si Ollie at naglakad kasama si Steph papunta kung saan sila naglalaro, he stops and looks back at us. Si Chase naman inilapag ang shirt niya sa tabi ko at lumuhod sa harap ko napaatras ako ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...