Chapter 8

61 20 21
                                    

Present Day

"Oh my God. I can't believe you remember that!" Ani ko.

Medyo nakakarami na kami ng wine ni Ollie. At dahil hindi naman ako malakas uminom madali akong nag loosen up at I was really enjoying reminiscing our childhood moments together.

Tumatawa pa rin si Ollie, "Akala ko talaga kung ano na nangyari sa 'yo Mi. Para kang statwa sa harap kwarto mo."

Pumalatak ako, "Ang sama kaya ni Kuya. Akala ko kung sino nang nanggulat sa akin, tsaka ihing ihi na kaya ako no'n."

One of my most embarrassing moments, naihi ako sa shorts ko when I was ten years old and Ollie was there.

Tinakpan ko ang mukha ko with my hands.

Hinatak iyon ni Ollie palayo sa mukha ko, "Ano ka ba, Mi. Matagal na 'yon. Sabi ko kasi sa 'yo 'wag ka na manuod ng nakakatakot na movie kasama namin e. Nagpumilit ka pa."

Sumimangot ako, "Eh lagi niyo naman kasi akong ayaw isama."

He smiles, "Ngayon pwede ka na sumama anytime. Bata ka pa kasi noon."

I sip my wine, "Now I'm grown up though."

He nods, "Yup. You are."

Why did I say that? That sounded weird, like may iba akong ibig sabihin.

May tama na yata ako.

I bite the inside of my cheek and I was saved by 'ding'of the timer. Dali dali akong bumaba sa stool chair, got the pot holders and carefully pulled out the brownies. I closed the oven door and turned it off.

Inilapag ko iyon sa counter kung nasaan kami ni Ollie. Paglingon ko kay Ollie he's swirling the wine in his glass, matindi ang pagkakatitig sa glass.

Natawa ako, "Huy. Sama ng pagkakatitig mo diyan sa wine glass mo ah."

Lumingon siya sa akin ng kaunti at napansin kong namumula na ang mukha niya, "Hala. Lasing ka na?"

I touch his cheek, mainit.

Ayan, lumalakas na ang loob. Nanghahawak na.

Tumikhim ako at inalis ang kamay ko but he catches it bago ko pa tuluyang mabawi.

His hand is warm and rough. Napakunot ang noo ko, what has he been doing? Parang may mga kalyo siya sa kamay.

I hold his hand in both of mine at inispeksyon ko ito, "Bakit nagkaganito ang kamay mo?"

He shrugs, "Work."

Sabi niya he's been working since he graduated from his business course noong college siya. He didn't elaborate kung anong work so I didn't pry.

Hawak ko pa rin ang kamay ko when he squeezes my hand, "Mi..."

I look at him and he looks serious so I tilt my head a bit to the side, "Bakit?"

Pumihit siya sa pagkakaupo para makaharap ako, "I have a question."

Hinatak ko ang kamay ko pero ayaw niya bitiwan, "Pwede magtanong ng hindi nakahawak 'di ba?"

I tease him pero hindi siya ngumiti. He lets my hand go.

Umatras ako ng kaunti and I put my arms over my chest.

He looks sad but then he schools his features, "Madaling araw na Mi. Next time ko na lang tatanungin sa 'yo."

Bigla ako napahikab and I look at my watch, mag-aalas-kwatro na. Humanap ako ng cover para sa brownies ko na kailangan ko munang palamigin, sakto na mga 6AM gigising si Auntie Baby, I'm sure itatabi na niya ito mamaya.

Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon