Chapter 28

24 6 3
                                    


Six Years Ago

Halos isang oras na yata ako nakatayo sa harap ng salamin ko sa kuwarto. Bumaling ako sa kanan at tiningnan ang itsura ko kapag nakatagilid, hindi naman masagwa.

Actually, yung buong damit ko hindi naman talaga masagwa, ang ganda ng dress na napili para sa akin ni Mommy. It's a flush pink gown with beaded sweetheart neckline. Made from tulle and lace kaya kahit na ball gown siya, it still flows. Hindi siya stiff kagaya ng ibang nakita naming gowns sa shop.

Naka-makeup na ako at kahit na alam kong hindi pa rin naitatago ng kahit anong concealer ang mga tigidig sa mukha ko, medyo kumalma naman sila under heavy makeup. Napapangiwi ako habang tinitingnan ko ang itsura ko sa salamin. The neckline of my gown accentuated my chest, hindi naman kalakihan pero at least hindi naman flat. Kaya lang mas conscious ako sa itsura ko ngayon dahil ang dapat na kasama kong si Kuya bigla nag-backout and of course, Ollie to the rescue.

Oh my God. Si Ollie ang date ko for prom.

I bite my lip.

"Anak, I told you not to do that, mabubura ang lipstick mo," lumapit sa akin si Mommy at ni-re-apply ang lipstick kong paubos na nga.

She puts the lipstick in my purse, sinamahan pa niya ng maliit na mirror, a small bottle of perfume and a hanky.

Iniabot niya sa akin ang maliit na bag, "Don't leave this bag anywhere ha. Your phone is in there na rin sinamahan ko na rin ng cash for emergency."

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at in-assess ang itsura ko, "You look beautiful, anak. Ollie's a lucky guy."

Nasamid ako sa sarili kong laway, "Mommy!"

Tumawa lang si Mommy, "Ang ibig kong sabihin, swerte si Ollie kasi may kasama siyang magandang dalaga tonight."

Hindi naman lingid kay Mommy na may gusto ako kay Ollie, pero siyempre she knows na hindi 'yon for public knowledge kaya nagulat ako sa biro niya.

"Naawa lang naman po sa akin 'yon kaya ako sinamahan." I pout.

"Don't dismiss Oliver agad anak and don't assume. Hindi mo naman alam kung anong intention niya for doing this di 'ba?"

She pats my cheeks, "He's a good guy."

Well, hindi ko pwedeng itanggi 'yon. He is a good guy.

Pumasok sa kwarto si Daddy, "Sweetheart, Ollie's downstairs na."

Ngumiti lang sa akin si Daddy. He's a man of few words but that smile, parang may laman.

Inirapan ko lang si Daddy, "Opo. Bababa na."

Naunang bumaba sila Mommy and Daddy para salubungin si Ollie. Lumabas na ako ng kwarto and I'm at the top of the stairs nang bigla akong mag-freeze.

Pupunta ako sa prom with one of the most popular students there. I may look nice now pero alam nilang lahat ang itsura ko daily, and I don't look like this. Napalunok ako at medyo napaatras.

They're going to make fun of me, I'm sure of it.

Baka mala-Carrie ang mangyari sa akin at buhusan nila ako ng pulang pintura or pig's blood, though wala naman yata akong demonic superpowers para tsugiin silang lahat.

I walk back quietly taking small steps backwards nang biglang sumulpot sa baba ng hagdanan si Ollie, "Huy. Saan ka pupunta, Mi?"

I put on a fake smile, "May nakalimutan yata ako sa kwarto."

Bago pa ako makaatras ng tuluyan, Ollie runs up the stairs and stands in front of me. He gives me big smile, "Hi."

He looks so dashing in his tux. I bite the inside of my cheek, "Hi."

Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon