Present Day
"Mimi."
Dahan dahan ko'ng binuksan ang mata ko at nabulag ng slight sa liwanag so I squint a little bit. Naka pangalumbaba si Ollie sa bintana ng kotse looking at me.
Napaupo ako ng derecho and I look around, "Nandito na tayo?"
Pagtingin ko sa kanya he just nods, "Sarap ng tulog mo kaya hindi ka muna namin ginising."
I fix my hair at napansin ko'ng wala na akong sunglasses, "Where's my sunglasses?"
Ngumiti si Ollie at iniabot ito sa akin.
I glare at him, "Bakit na sa 'yo?"
He smirks, "Guguhit sa mukha mo eh, kaya tinanggal ko muna."
I check my face sa rearview mirror, wala namang guhit.
Weird.
He opens the door for me, "Tara. Kanina ka pa hinihintay ng Lola mo."
It will be Lola's 75th birthday kaya kami umuwi ni Kuya, Mommy and Daddy took a later flight dahil may mga inasikaso pa sila sa New York.
I look behind the Jeep at wala na ang luggage ko, ibinaba na nila siguro. Nakapamulsa si Ollie sa tabi ko habang naglalakad, I try not to notice na nag-iba na talaga ang dating niya. He looks relaxed, carefree, parang surfer ang dating.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya and he smirks then walks backwards, facing me.
I raise an eyebrow at him, "Bakit?"
He shrugs, "Wala. I'm just looking at you."
Inirapan ko lang siya, "Weirdo."
Bumalik siya sa paglalakad ng ayos when we reach the door. He opens it for me and I go inside.
"Mia!" hiyaw ni Auntie Baby.
Tumili ako at tumakbo sa kanya sabay yapos, "Auntie! I've missed you po."
Biglang may yumapos sa akin sa kanan, si Auntie Len, "Auntie!"
I was welcomed with hugs and kisses from my Aunts and Uncles. It's great to be back home.
"Hoy, pwede ba'ng ako muna ang mayapos ng apo ko?" napalingon ako at nakita si Lola na nakangiti sa akin.
Tumakbo ako sa kanya at yumapos, "Lola, na-miss kita!"
She's to small at medyo pumayat kaya kailangan ko maging maingat baka mapipi ko siya, but I really wanted to hug her tight. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang yapos si Lola.
Pagbitiw ko sa kanya tumawa si Lola habang pinupunasan ang luha ko, "'Tong batang 'to, bakit ka umiiyak? Hindi pa ako mamamatay!"
Nagtawanan ang mga tao sa bahay at pinunasan ko lang ang mga luha ko, "Na-miss ko lang po kayo Lola, kayo naman."
Malaki ang pamilya namin, si Lola may limang anak na puro lalaki kaya malapit siya sa mga napangasawa ng mga Uncle ko at kay Mommy. Nang magsipagasawa na sila hindi sila makabuo ng babae hangga't dumating ako. Ako ang bunsong apo at babae pa. Kaya super favorite ako ni Lola.
Ngumiti sa akin si Lola at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, kailangan ko yumuko ng kaunti para hindi siya mahirapan, "Halika nga, patingin nga ng apo ko'ng maganda."
"Eto po, maganda pa rin. Mana lang sa inyo." Biro ko.
Para niyang binubusisi ang mukha ko kasi tinatagilid niya, chinecheck ang pisngi ko, mata, noo, sabay palatak, "Parang pumayat ka lalo, Mimi."
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...