Chapter 7

73 19 15
                                    

Present Day

Bumangon ulit ako sa kama ko, pang-sampung bangon ko na yata ito.

I look at my watch, "2:00 AM. Great."

Huminga ako nang malalim at kumuha ulit ng t-shirt. Sobrang init ngayon kaya cropped shirt na lang ang kinuha ko. I gently went down the stairs at nagpunta na sa kitchen. Naghalughog ulit ako sa pantry at kumuha ng supplies. I think I'll make salted caramel brownies.

Sakto lang siguro 'yon, about two hours to make.

I pre-heat the oven and get to work on my brownies.

I have a love-hate relationship with food. Bilang payatot nga ako dati, may time na wagas ako kumain para lang tumaba pero kakaiba talaga ang katawan ng tao, dahil kahit gaano ko siya karami kainin walang nagbabago sa katawan ko. Payatot pa rin.

I always hear Mommy tell me na pasalamat nga raw ako at mabilis pa ang metabolism ko, kapag tumanda raw ako mababawasan na iyon kaya konting kain lang mabilis naman akong tataba. And that's what happened to me in New York – the food there was unbelievable, ang daming pwedeng kainin at nakakataba talaga kapag malakas ka kumain. Junk food is everywhere rin so you get tempted to eat that halos daily.

When I went into culinary school I learned to respect my body by putting in healthy food, I didn't cut up on my diet but I ate smarter. There were better food to make, hindi lahat dapat mabilisan, hindi lahat dapat kung ano-ano lang ang laman.

I also learned to take care of myself better, I made time for myself and I felt better after it.

Siguro dahil nalayo rin ako sa mga taong nagpapa-down sa akin. Nakatakas ako sa lugar kung saan puno ng bad memories. I started to gain back a little bit of my confidence as the years passed, though hindi pa rin siguro naka-recover fully dahil heto ako ngayon feeling like I did back when I was in High School after meeting Steph earlier.

Steph was the prettiest girl in school back then. All the guys had crushes on her kasi bata pa lang talaga pang-beauty contest na ang itsura niya. Kapag kailangan ng muse – si Steph, kapag kailangan ng panlaban sa ibang school – si Steph, kapag naghanap ng Prom Queen – si Steph. I used to think she was pretty lonely siguro or bitter dahil kahit ang ganda ganda niya parang hindi siya masaya kapag masaya ang mga nasa paligid niya. I wonder what made her that way.

I thought over time siguro she would realize that she doesn't have to be like that and change her ways, pero mukhang mula pagkabata hanggang sa pagtanda talagang masama ang ugali.

I sigh and pop the batter inside the oven and turn on the timer.

Pinagpag ko ang kamay ko at tumalikod, pagtingin ko napa-"Holy shit!" ako.

Napaatras ako at napahawak sa glass ng oven.

Nagulat ako kasi nandoon sa kitchen si Ollie looking at me like a damned stalker.

I look at my hand at namumula na 'to.

"Shit! Mi! What happened?" inilapag ni Ollie ang bag niya sa sahig at pinuntahan ako. Hinawakan ni Ollie ang kamay ko at inispeksyon.

Pinanlisikan ko siya ng mata, "What happened? Aba, sumulpot ka diyan sa likod ko without talking! Syempre magugulat ako!"

Parang walang narinig si Ollie, busy siya sa pagtingin sa kamay ko, "Shit. Sorry Mimi. Here."

Hinatak niya ako ng marahan papunta sa sink at pinatuluan ng running water ang kamay ko. Medyo na-relieve ang sakit dahil sa malamig na tubig.

"Wait here. Itapat mo lang diyan sa water 'yan." He says bago umalis.

Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon