Chapter 10

52 18 16
                                    

Present Day

Nakarating kami sa Subic almost 9PM na, nag-check-in muna kami and we decided to share a room na lang para sa aming tatlo. Si Kuya talaga parang guardiya sibil. Nang makita nga ang suot ko parang siya na ang may gustong mag-backout at tinitigan nang maigi si Ollie at sinabing bantayan akong maigi.

Tapos gusto niya magka-boyfriend ako? Paano naman mangyayari 'yon? Daig pa nito ni Kuya si Daddy eh.

Dumerecho na kami sa party after naming ilapag ang mga gamit namin sa kwarto, naglagay lang ako ng kaunting lipstick at blush. Hindi naman kasi ako marunong mag-full makeup.

If I didn't know any better, I'd think na isang buwan ang preparation para sa party na 'to. The beach is set up with beautiful lights at walang mga matataas na tables, lahat nakababa lang sa sand. The music is booming at marami na ring tao sa paligid. Malayo pa lang kita ko na si Steph, she's wearing a very short floral dress and her cleavage on full display. Nasa harapan ko si Kuya at Ollie naglalakad, parang bodyguards. I roll my eyes.

Napalingon sa amin si Steph at tumakbo siya palapit – as in tumakbo, lumulundag-lundag at kumakalog ang mga dapat kumalog. Nagpigil talaga akong takpan ang mata nila Kuya. Nakatingin ako sa likuran ni Ollie, sayang hindi ko makita ang reaction niya.

"Hey guys! You made it! Akala ko hindi na kayo darating!"

Syempre sila lang ang binati ni Steph, invisible na naman ako.

Humarap sa akin si Ollie, "Tara Mi. Gusto mo na maupo?"

Tumango lang ako at noon lang ako napansin ni Steph, "Hey Mia. You're here."

I give her a small smile, "Hey."

Tumabi sa akin si Ollie at magaan akong hinawakan sa likod, "Tara."

Lumingon ako kay Kuya at may kinawayan siya sa medyo malayo, "You've invited rin pala upper classmen no?" he asks Steph.

Ang lapad ng ngiti ni Steph kay Kuya, "Yup. I thought it would be a good idea."

Inalalayan na ako ni Ollie palayo habang nag-uusap si Steph at si Kuya, "Bakit tayo lumayo? Gusto ko pa marinig pag-uusapan nila."

Tumawa lang si Ollie, "Ang kulit niyong magkapatid."

May mga nakatingin sa amin ni Olie and I'm immediately uncomfortable. Naramdaman niya ang pagbagal ng lakad ko at kinuha niya ang kamay ko at ibinalot sa braso niya, "I'm here."

May nakita kaming table malapit sa beach pero bago pa kami makapunta doon may humarang sa harap namin, "Hi."

Dalawang lalaki ang nasa harap namin ni Ollie, I look at both their faces and I recognize them instantly.

Chase Cruz and Tyler Palacio – parang si Ollie and Kuya Marky ng batch namin. Mababait naman sila pero sa sobrang popular hindi naman malapitan ng mga kagaya ko. Chase was the captain of the varsity, si Tyler naman ang best friend niya. They're not bad noong High School, bumabati rin paminsan minsan pero talagang friends sila nila Steph so I try to stay away from them rin.

Chase is more like Ollie, carefree at mukhang approachable pero their similarities end there. Parang malaki ang katawan ni Chase, parang nag-woworkout, nagpapalaki ng muscles, si Ollie naman parang toned hindi bato bato pero firm.

Tyler is more like Kuya, preppy parang businessman ang dating. Nakaayos ang buhok, tisoy at parang hindi nadudungisan.

Ngumiti lang ako and they smile back at me.

"Oliver, right?" ngumiti si Chase kay Ollie.

Tumango lang si Ollie sa kanila, "Yup. I'm about two batches ahead yata sa inyo." Then he nods sa direction ko, "Itong si Mia batchmate niyo."

Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon