Six Years Ago
The program starts at nag-speech na lahat ng mga pwedeng mag-speech. Kumakalam na rin ang tiyan ko dahil hindi pa kami nakakapag-dinner.
Ollie is sobrang patient with this, naaawa na nga ako sa kanya kasi instead na makipag-party siya kasama ng friends niya, ito siya stuck sa prom ng nakababatang kapatid ng best friend niya.
Umurong ako paharap at binulungan siya, "Sorry ang boring ha."
He looks at me, "Boring? Hindi ah. Kasama kita e."
Bumelat lang ako sa kanya, kasi hindi ko alam kung paano mag-react. He's been sweet all night at extra nice sa akin, hindi ko nga alam if I'm reading too much into it pero parang he's flirting with me sometimes. He hasn't let go of my hand rin and I'm not sure what that means.
"Kapag nag-start na yung sayaw sayaw pwede na tayo umalis, para makahabol ka pa sa party niyo."
He shrugs, "Okay lang kahit tapusin natin 'tong prom, hanggang madaling araw pa naman yung party na 'yon."
I wrinkle my nose, "Mag-iinom siguro kayo 'no?"
Hindi sila pwedeng uminom sa bahay pero nasa legal age na sila ni Kuya Marky so I'm pretty sure umiinom sila kasama ng friends niya.
Ngumiti lang siya, "It's Ken's 18th birthday so malamang."
Ah si Ken, kapitbahay rin namin siya, but lives around four streets away from us, kayang lakarin. After a couple of speeches pa, we were allowed na pumunta na sa buffet table to get our food. Niyaya ako agad ni Ollie na pumila para makakain na kami.
He takes two plates, "Ako nang magbitbit, Mi. Just tell me what you want."
I bite my lip kasi muntikan na naman mapunit ang pisngi ko sa laki ng nagbabantang ngiti. Sobrang sweet at attentive talaga ni Ollie, paano kaya kapag nagka-girlfriend na siya? Siguro 'di siya papakawalan kasi parang ang sarap niyang maging boyfriend.
I shake the thoughts from my head dahil for sure mawawasak ang puso ko kapag nalaman kong may girlfriend na siya.
Habang nakapila kami at kumukuha ng pagkain, may masamang hangin na nagbadya sa paligid, I look around and see Steph walking towards us.
I try not to roll my eyes.
Ang suot niya is a white satin gown na may slit sa harap, it shows a lot of her leg kapag naglalakad pero mukhang pa-demure dahil puti at walang ibang design. Malamang backless.
She looks like a pageant queen, big hair, big smile, big boobs... She looks older than she actually is. Siguro sinadya niyang magmukhang mature.
She smiles at us, "Hi Mia. Oliver."
Nag-'Hi' siya sa amin pero kay Ollie siya nakatingin, "Oliver, I thought may party ang batchmates niyo? Aren't you going there?"
Huh? Paano nalaman ni Steph na may party?
Tumango lang sa kanya si Ollie, "Yeah. I'm not sure if I'm going, it depends on what Mi wants."
Napalingon naman ako kay Ollie, baka ang ibig niyang sabihin is kung aalis na kami agad after ng program or hindi. Para kasing nagmukhang kung ayaw ko, hindi siya pupunta sa party.
Weird.
Napatingin sa akin si Steph at nakataas ang kilay, "Wow."
I want to run and hide sa paningin nitong si Steph. I feel like she's super interested in what Ollie said, parang I'll pay for it later – gano'n.
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Storie d'amore"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...