Present
"Mom, okay lang ba 'to? Hindi ba ako overdressed?" I tilt my head from side to side assessing kung masyado bang effort ito for a first date?
OMG. First date.
I try not to flip out.
Hinawi ni Mom ang buhok ko at inilagay sa balikat ko, "You look lovely, anak."
I look myself up and down sa mirror. I'm wearing a long-sleeved black and red floral dress. Kahit na long sleeves, I'm showing a lot of leg naman. It ends mid-thigh. Hinahatak ko pababa ang laylayan ng dress ko.
I scrunch up my nose, "Mag-jeans na lang kaya ako, Mom? Parang OA 'tong suot ko."
Pinalo ni Mom ang pwet ko, "Ano ba? You've got great legs anak, hindi naman masyadong scandalous ang length. Sabi mo sa magandang restaurant kayo kakain ni Chase 'di ba? You should dress appropriately."
Ngumiwi ako, I didn't tell Chase that I've never really dated before. Hindi ko yata kayang tawaging date ang mga nakasama kong kumain before, kasi nandoon lagi si Kuya nakabantay na parang body guard.
I face Mom, "Sure ka po? Hindi masyadong maikli?"
"Maikli!" sigaw ni Kuya nang pumasok sa kwarto ko.
Hinatak niya ang laylayan ng dress ko, "Ano to? Kinapos sa tela?"
Inirapan ko siya, "Magde-date kami ni Chase Kuya ha, at ngayon pa lang binabalaan na kita, 'wag kang magkakamaling sundan kami."
Tumayo siya nang tuwid at pinanlisikan ako ng mata, "At bakit?"
Hindi na ako nakasagot nang kurutin siya sa tagiliran ni Mom, "Tigilan mo, Marky!"
Napangiwi sa sakit si Kuya, minasahe niya ang tagiliran niya, "Mom! Ang sakit no'n ah!"
Humalukipkip si Mom at tumayo sa harap ni Kuya, shielding me, "Your sister is a grown woman and capable to make her own decisions. You should trust her."
Ibinaling ni Kuya sa akin ang tingin niya, binelatan ko siya sa likod ni Mom.
Huminga siya nang malalim, "Sa baba na ako, antayin ko dumating ang date mo."
Sinundan siya ng sigaw ni Mom, "Kausapin mo lang! 'Wag mo tatakutin!"
I sigh. Mukha namang hindi madadaan sa pananakot si Chase.
Nag-ring ang phone ko and I walk over to the bed to get it. Tumatawag si Chase.
"Hello?"
"Hey. I'm already... wait, your brother's coming over."
Napairap ako, sinalubong talaga ni Kuya, "Sorry, he's being an overbearing jackass. I'm on my way down."
He laughs, "It's okay. Take your time."
"Bye."
Pagtalikod ko nakita ko si Mom na nakangiti sa akin, I go over to her at yumapos, "Love you Mom."
She squeezes back, "Love you anak. Have fun."
She lets me go, "I'll go downstairs para salubungin ang date mo, baka kung ano nang sinabi ni Marky eh."
I laugh, "Okay po."
She leaves the room at siniilp ko pa ng isang beses ang itsura ko sa salamin. I sigh and walk out of the room.
I close the door to my room nang bigla namang bumukas ang kwarto nila Kuya at Ollie.
I'm rooted to the spot when Ollie looks me over.
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...