Present Day
The week pretty much went by na pare-pareho ang nangyayari, gigising ako ng tanghali, mag-aalmusal sa oras ng merienda, mag-lu-lunch sa oras ng hapunan at matutulog kapag pagising na ang lahat ng tao sa bahay.
Hindi na kami ulit nagka-moment ni Ollie nang madaling araw, madalas rin wala siya sa bahay paggising ko dahil may inaasikaso raw.
It's a Friday now and I start my day with someone waking me up.
"Mimi, anak. Gising na."
Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Mommy, "Mommy?"
Nakangiti siya, "Jetlagged ka pa rin? Hindi ka pa rin nakakatulog ng ayos?"
Bumangon ako at kinusot ang mata ako, "Anong oras na po?"
Hinaplos niya ang buhok ko, "Magto-two na."
Ngumiwi ako, sana mag-normalize na ang body clock ko, ayaw ko ng ganito para akong laging pagod.
"She's alive!" sigaw ni Kuya habang papasok sa kwarto ko.
Pumalatak si Mommy, "Bakit hindi mo kasi isama si Mimi sa workout mo sa gabi, para makatulog rin siya."
Nanlaki ang mata ako, "Hala. Hindi ko kaya ang energy niyang si Kuya, Mommy. Baka himatayin ako."
Ngumiti si Kuya at umupo sa may bintana ko, "Eh 'di tulog. Problem solved."
Inirapan ko si Kuya at yumapos kay Mommy, "Ano pong pagkain, My?"
Tumawa si Mommy, "Talaga naman ang lambing ng bunso ko."
"Pfft. Ang laking tao mo na Mimi, hindi na bagay sa 'yo." Si Kuya.
Lagi akong naglalambing kay Mommy kapag magkasama kami, sa New York kasi hinayaan na nila kami ni Daddy na kumuha ng apartment na hiwalay. Si Kuya kasi gusto na mag-solo, pero dahil tingin nila sa akin bata pa rin, hindi niya ako pinag-apartment mag-isa. Kahit noong College, magkalapit kami ng University para raw mababantayan niya pa rin ako.
Kaya tama si Ollie nang sabihin niyang wala akong naging boyfriend noong College, aside from the fact na busy talaga ako no'n at halos walang social life, laging nakabuntot sa akin si Kuya, napapagkamalan pang boyfriend ko minsan sa sobrang pagka-protective. Ew.
"Sige Mi, sama ka sa akin mag-work out para mapagod ka nang husto bago matulog." Ani Kuya.
Nakangisi siya kaya alam kong papahirapan niya ako sa workout namin.
When I was in New York I used to workout a lot, minsan sabay kami ni Kuya pero madalas ako lang mag-isa. I run daily there, pagkagising ko sa umaga tumatakbo ako, kapag may oras pa sa hapon, I run again. Pero iba talaga ang workouts ni Kuya, pamatay, he does crossfit at halimaw siya sa gano'n, hindi ko masabayan talaga. Lagi ako unang nag-gi-giveup.
I sigh, "Oo na. Sige, makiki-workout na ako."
"Tara na anak, kumain ka na muna. Request ng Lola Conchita mo puntahan niyo raw ulit ang restaurant niya." Ani Mommy.
Naka-tatlong branch na kami ni Kuya, yung iba kasi medyo malayo na kaya hindi namin napupuntahan, out of town na. Kaya kumunot ang noo ko, "Bagong branch ulit? Eh sa bandang North na yata ang pinakamalapit dito."
"Oo, sa Pampanga." Sabat ni Kuya.
"Pupunta tayong Pampanga?" tanong ko.
"Oo. Tapos may party tayong pupuntahan bukas 'di ba?" Aniya.
Lalong nagsalubong ang kilay ko, "What do you mean? Yung party ni Steph?"
Tumango si Kuya, "Pupunta muna tayo sa restaurant ni Lola – kung aabot tayo bago magsara, tapos dederecho tayo sa Subic. Doon daw ang party."
BINABASA MO ANG
Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅
Romance"Puberty - the stage in people's lives when they develop from a child into an adult because of changes in their body that make them able to have children." - Cambridge Dictionary Some people are blessed since birth, puberty doesn't even hit them - n...