Chapter 32

20 4 1
                                    

The party – Six Years Ago

Saglit lang ako nag-bike papunta sa bahay ni Ken.

Medyo maraming sasakyan sa harap ng bahay niya kaya inilagay ko ang bike ko sa bandang gilid ng bahay nila para hindi ako mapansin. I'm sure wala namang magbabawal sa akin pumasok kung sabihin kong nandoon ako para hanapin si Kuya. Pero para sigurado ayaw ko pa rin magpakita.

I pull the cap down my forehead para hindi ako mamukhaan at pumasok ako sa gate. I look around pero wala masyadong tao sa labas ng bahay, may ibang nakatambay at nagku-kwentuhan sa bandang garahe pero wala masyadong tao sa leftside ng bahay so doon ako pumunta.

Hindi na masyadong malakas ang music pero may tumutunog pa rin galling sa loob ng bahay.

Ang laki ng bahay nila Ken, mukhang may swimming pool pa sa likod kasi may naririnig akong nags-splash.

Nang makarating ako sa likod ng bahay I see that I'm right, may pool nga at may mga taong nags-swim doon. I tried to look for Ollie or Kuya pero wala sila doon pareho.

Aba buti naman, kasi may mga naka-bikini doon na mga girls.

I back up when I see a familiar girl sa tabi ng pool, she's wearing a cropped red shirt and skimpy white shorts.

When she turns around, I see her face. Si Steph.

Ano kayang ginagawa niya dito? Sino kayang nag-invite sa kanya e pang College 'tong party na 'to. We're not supposed to be here no, at least hindi para maki-party.

Well, I'm here because of a totally different reason so I don't count, tsaka I'm gate crashing so I'm not like her. Not better but still.

I go back to sneaking into the house, sumilip ako sa pinto sa side ng bahay and nandoon ang kitchen nila, medyo magulo dahil may mga cups and plates na nakakalat pero wala namang ibang tao so doon na ako pumasok. I look around before walking out of the kitchen and into the dining area, may mga bote sa ibabaw ng lamesa and some opened boxes of pizza.

Ito na ba ang party nila? Alak tsaka pizza? Wala manlang pang-hapunan talaga.

Napailing na lang ako. I don't think I'll be looking forward to parties na ganito kapag nasa College na rin ako.

I walk slowly to the living room at nakitang nandoon nakaupo si Kuya, kahit likod lang niya ang kita ko I'm sure that's him. He's playing video games with his friends at may girl na nakaakbay sa kanya. I try not to roll my eyes.

Kakaunti lang ang tao sa living room pero wala doon si Ollie and I'm immediately concerned. Parang there's something wrong.

I casually walk to the living room habang nakatalikod silang lahat and I walk up the stairs.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko since I've never done anything like this. Hindi ako tumatakas ng bahay, not for anything. Tsaka never pa akong pumasok sa isang bahay ng hindi ko naman kaano-ano ng walang paalam, at never rin akong umalis ng bahay ng ganitong oras. But I need to talk to Ollie.

Nababaliw na yata ako dahil gusto ko siya makausap tonight pero I feel like kapag pinalampas ko pa 'tong pagkakataon I'll never have this chance again. Parang yung lakas ng loob ko pang isang gabi lang rin, hindi na ito mauulit. Today is the day I tell him how I feel.

Kailangan today, dahil hindi ko alam ang mangyayari bukas, baka bukas balik na kami sa pagiging magkapitbahay lang. He will return to being my brother's bestfriend and I'll be the annoying young sister following him around.

Malaki ang bahay nila Ken so marami ring kwarto, I don't know where to begin sa paghahanap ko kay Ollie. I check my phone and wala siyang message.

Ano bang gusto kong gawin dito? I-surprise siya? E paano kung ako ang ma-surprise?

Mimi Turns Pretty - SOON TO BE PUBLISHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon