02

2.1K 63 12
                                    


"Cap! Pinatatawag ka ni Coach!"


Pagdating ko pa lang sa gym ay 'yon na agad ang salubong sa 'kin ni Veronica. Tinaasan ko siya ng kilay para alamin kung para saan 'yon pero nagkibit-balikat lang siya.


Nagpunta na lang tuloy ako kay Coach habang iniisip kung bakit niya 'ko pinatawag. Mamaya ang tanungin noon sa 'kin ay kung nasabi ko na ba kila Mama 'yung desisyon kong mag-stay lang sa team hanggang sa final game.


"Coach," sumulyap sa 'kin si Coach at binaba ang hawak na papel. Pinalapit niya 'ko sa kaniya at tinapik ang bakante sa tabi niya.


"Panorin mo lang sila maglaro," kumunot naman ang noo ko at sinunod ang sinabi niya. Pinanood kong maglaro ang mga teammates ko hanggang sa matapos ang first set ng laro nila.


"Mukhang alam ko na, Coach," natawa ako nang mahina bago ilagay sa magkabilang gilid ang kamay. Tinaas ko ang dalawang paa ko at pinagmasdan ang team.


"Nakapili ka ba?" Tumango ako. Bagong captain ang tinutukoy ni Coach.


"Si Jenny, Coach," sa nakita ko, siya ang may potensyal na pumalit sa 'kin na maging Captain nitong team. Una pa lang ay nakitaan ko na siyang mag-lead ng team.


"As expected from the captain," nakangising sabi niya. "Siya rin ang balak kong maging captain pagkatapos mong mag-graduate sa team kaso napaaga."


Tumango ako, hindi na gustong marinig ang susunod niyang sasabihin. Buti na lang hindi na itinuloy ni Coach dahil alam niyang hindi pa ako handang pakawalan ang team kahit may desisyon na 'ko.


"Maayos ba naging practice rito ng basketball team?" He suddenly asked. Bakit naman kaya natanong 'to ni Coach? Akala ba niya aawayin ko ang basketball team? Hindi naman ako ganoon.


"Maayos naman, Coach. Hindi ko naman inaway," depensa ko. Baka kasi iniisip niya talagang inaway ko ang basketball team.


"I just asked, why are you so defensive?" Natatawa niyang sabi sa 'kin. I made a face at him before I waved my hand.


Naglakad ako sa team habang nakabilog sila roon. I congrats them for having a good match without their captain. Natawa ako nang tignan nila ako na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanila.


Oh God, they're so clueless.


"Cap, pupunta kami ngayon sa bar. Sasama ka?" Pagkatapos na pagkatapos ng practice ay 'yon na kaagad ang sinabi ni Hera sa 'kin. Tumango na lang ako dahil namimiss ko na rin na uminom.


"Una na 'ko," kumaway pa ako sa kanila at nakita ko ang paghabol sa 'kin ni Charity.


"Sabay ako," sabi niya sa 'kin kaya pumayag ako. Madadaanan ko naman kasi ang bahay nila at malapit lang dito sa school kaya okay lang. Gabi na rin kasi at mahirap nang maglakad pa papunta sa kanila.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon